Sunday, July 7, 2013

Bertdey ko , Parang Bertdey nyo!




Isang taon na naman ang daraan at isang taon na naman ang lilipas,
Ilang taon na nga ba ako? aba'y sa aking pagkakaalam tiyak kong ako'y wala pa ding kupas
Edad lang ang nadagdag pero kakisigan ko'y (kakisigan daw LOL!) nananatiling wagas
Maraming mga pangyayari ang nagdaan pero sa pakiwari ko'y ngayon pa lang naguumpisang maibulalas.


Trenta'y tres na ako aba'y tiyak madami na akong pera at mayaman na ako...
OO inaamin ko mayaman ako sa dami ng puting buhok ko... at tiyak na mayamang mayaman ako kung maibebenta ko lang ang BULBOL ko!
Kuntento ako kung anong meron ako ngayon at hindi ako nagnanais na maging superhero pagtanda ko.
Dahil sa pagkaramdam ko si SUPERMAN ako dahil kahit mahirap ang buhay, kaya ko pa ding itaguyod ang Mag-ina ko.


Sa edad kong ito alam ko wala na ako sa kalendaryo..
Eh ano naman, basta ang alam ko hanggat umiiral ang BINGO at LOTTO, tiyak IN ako...
Sa pakiwari ng iba, edad ko matanda na...
Pero kapag tumitingin ako sa salamin... anong sinabi ng sampung taong gulang na bata hehehehe..


Kaarawan ko ngayon at alam kong napakaespesyal ng araw na ito...
Bakit kamo espesyal? Eh kasi naman sa kauna-unahang pagkakataon eh nandito ako sa bahay at wala sa hanapbuhay.
Sinadya ng pagkakataon at tiyak bukas mamamasyal kaming mag-anak...
Alam ko kahit bukas pa yon, tiyak iyon ang pinakamasayang bertdey ko na sa puso at isipan ko pang-habambuhay tatatak..


Nagpapasalamat ako sa POONG MAYKAPAL kasi pinagkalooban niya ako ng panibagong taon sa aking buhay...
Kahit marami akong sablay, lagi ka pa ring nandyan at RESBAK kitang tunay.
Salamat sa patuloy ninyong pag-gabay at pag-alalay..
Salamat dahil pinagkalooban ninyo ako ng PAMILYANG TUNAY..



O So, Paalam na muna na gaya ng laging sinasabi ni KA ERNIE... BABAY!!!!!

6 comments:

  1. maligayang kaarawan!!! age is just a number :)

    ReplyDelete
  2. Ty Sir Xander and Sir Bino...

    ReplyDelete
  3. Happy birthday. Chill at sabay sigaw alak pa !

    ReplyDelete
  4. Ayun oh... maligayang kaarawan sa iyo boss!! cheers!

    ReplyDelete