Wednesday, October 3, 2012

Run for Pasig



           Tatlong taon na kaming lumalahok at sumusuporta ng aking Honey Palomah sa Run for Pasig at sa tatlong taon na iyon ay makikita natin ang pagbabago at patuloy pang pagbabago sa Ilog Pasig upang mapagtagumpayan na manumbalik sa dating ganda ang ilog na ito. Masaya na nakakapagod ang kaganapan at dagdag pahirap pa ngayong taon dahil maulan ang ginanap na taunang takbuhan subalit mababakas sa bawat mukha ng lumahok ang kasiyahan sa kabila ng masamang panahon.

            Napuno pa rin ng libo-libong kalahok ang Fun Run na kinabibilangan ng mga estudyante na mga nagtetext habang naglalakad kagaya nito....
           
           

                 Mga kagrupo ni DORA na mga nakabackpack.....




                                 Mga kababaihan, mga kalalakihan at hanapin ang bakla sa larawang ito.....



Daig mo pa ang tumama sa lotto kapag nakatapos at umabot sa finish line......





                         Hanapin ang hindi pawisan sa kaganapang ito he he he................................ pero syempre kahit pawisan ay hindi pwedeng hindi magpapacute si Honey ko hihihi...





Memorable pa kay Honey ko to kasi tumatakbo siya ng walang swelas ang kaliwang sapatos nya hehe....





At higit sa lahat, pagkatapos ng masaya at nakakapagod na lakad-takbuhan ay ang masarap na kainan hmmmmmmmmmmm...................




Hanggang sa muli paalam!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Monday, October 1, 2012

End of the World???????



         Dati hindi ako naniniwala pero ngayon nararamdaman ko na at nakikita na ang mga palatandaan. Malapit na at malapit na malapit ng MAGUNAW ANG MUNDO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! I saw the signs and I open up my mind! Always i wanna be with you.... Teka teka! bakit napunta ako sa mga sayaw ng universal motion dancers??????? Basta isa lang ang masasabi ko.... at bilang mga patunay, narito ang mga sinasabi kong signs:

1.  Dati ang mga pusa takot sa ulan pero bakit ngayon???
2.  Ang mga butiki dati mga kulisap at alitaptap ang kinakain, pero bakit ngayon mga kanin at tirang ulam sa lababo ang pinag-iiteresan???
3.  Patuloy sa pagdami ang mga bakla??? bakit?? wala naman silang matris??
4.  Nagchampion na ang Pilipinas sa Jones Cup??? Samantalang dati hindi tayo manalo!!!!!!
5.  Dati ang mga adik lang sa gym mga lalaki pero ngayon.. ang daming bading na malaki katawan..
6.  Ang Tang dati orange flavor lang pero ngayon ang dami ng flavor at may isang sumisikat pa na flavor yung tang chocolate flavor ( TANG na MOO ).
7.  Bakit puro motor na ang makikita sa lansangan?????
8.  Hindi naman uso soccer sa Pilipinas pero ngayon may AZKAL fever na????
9.  Dati lagnat lang uso ngayon may DENGUE na!
10. Dati TULO lang ang uso ngayon may AIDS na.
11. Dati ang tanduay mabibili mo ng walang kasamang yelo ngayon meron na ( TANDUAY ICE ).
12. Dami ng nagyoyosing babae dati naman konti lang..
13. Dati puro plastic ngayon puro paper bag na at may eco bag pa!
14. Dati ang TATTOO tinatago ngayon lantaran na!
15. Dati hindi naman ako nagsusulat pero ngayon??? BAKEEEETTTTTTTT!!!!!!!!!!!!


                  Ang dami pang signs pero kayo na ang magisip ng iba... Bukas dudugtungan ko pag may naisip pa ako.. PAALAM!