Thursday, July 26, 2012

Tamis ng Unang Halik

            Gaano katamis ang unang halik? Ika nga sa kanta ni Miss Tina paner....

'Sang saglit ng ubod-tagal
Unang halik ng 'yong mahal
Isang saglit lang nang matikman
Isang saglit lang parang walang hanggan
'Yan ang iyong unang halik
Kailan ba 'yon, kay tagal na
Ngunit tamis naroon pa
Tuwing ang mata'y mapipikit
Bakit tamis kusang nagbabalik
Kukupas pa ngunit hindi
Ang alaala mo ng una mong halik


Atin pong tunghayan kung gaano sila nagenjoy sa kanilang unang halik................

Hindi ko na kaya Paul dito na natin gawin.....


Nakakagigil ka Fafa Siskauskas!

Sabi ni daddy sya daw muna pagpraktisan ko...

Sobrang lamig dito makapagpainit nga!

O babe isang halik mo lang....

Ohhh yeahhh!

Kailangan nating magsuot nito para hindi ako mabuntis..

Ganito pala ang pakiramdam ng first kiss tsalap tsalap!!

             O ngayon may idea na kayo kung gaano katamis?? Hanggang sa muli!

TWILIGHT "Breaking Hearts" ( hindi na breaking dawn")

     



           Hindi naman sa tsismoso ako noh? pero naintriga lang talaga ako mga kaprendship ko sa balitang umiikot ngayon sa buong YAHOO Yippeeee Yehey na napabalitang panloloko, pangangaliwa at panlalalakeng ginawa ni Kristen Stewart na isa sa star ng sikat na pelikulang "TWILIGHT" Breaking Dawn Part 2 at ang siste pa mga kaprendship, ang kinaliwa nya ay ang kanyang jowa ever to the highest level na si Robert Pattison na kanyang co-leading star sa nabanggit na pelikula. Hays SUSMARYOSEP! Bakit kasi may mga babaeng makakati eh meron naman dyang sandok na pinanghalo sa sinigang at siyang ipangkamot nyo dyan sa kepyas nyong dinapuan ng HIGAD! Ika nga naman sa kasabihan... Nanlalake ang daga kapag wala ang pusa nyahahahahaha! Kung bakit ba naman kasi sumideline lang sa pelikulang "Snow White and the Huntsman" eh pati ba naman sa direktor na si Direk Rupert Sanders ay sumideline na din si Kristen!!!!!!!!!!!!! Ay Dyosko nakakaloka! Hoy hindi kayo mga ordinaryong tao para hindi masundan ng mga paparazzi mga animal kayo! Maglalampungan lang kayo sa kotse aba'y nakuha nyo pang magpaKODAK! By the way highway... sinubukan magapologized ng dalawang hitad at ayon sa isang source, eto ang sinabi ni Kristen...

"I'm deeply sorry for the hurt and embarrassment I've caused to those close to me and everyone this has affected. This momentary indiscretion has jeopardized the most important thing in my life, the person I love and respect the most, Rob. I love him, I love him, I'm so sorry,"  ( Bruha ka! i love him love him! sorry mo mukha mo!)

        At heto naman ang sabi ng kalkalerong direktor...

"I am utterly distraught about the pain I have caused my family. My beautiful wife and heavenly children are all I have in this world. I love them with all my heart. I am praying that we can get through this together," ( o ayan kumag ka! ewan ko lang kung anong mangyari sayo! hindi lang outside de kulambo ang kaparasuhan dyan!)

Ano na lang kaya ang magiging reaksyon ng mga FANS ng dalawang magsing irog na si Kristen at Rob sa buong mundo dahil talaga namang nakayayanig ang balitang ito!!! ABANGAN!

Alam ba Ninyo? (2 days na lang 2012 London Olympics na!)


Baron Pierre de Coubertin
        Alam ba ninyo na noong unang panahon, ang mga babae ay hindi pinahihintulutan na na lumahok  o maging manonood sa Olympic Games at kapag sila ay nahuli ay papatawan sila ng parusang kamatayan. ( Diyos ko po!) Gayundin naman, nang binuhay muli noong 1896 ang Olympic Games, ang tagapagtatag na si Baron Pierre de Coubertin ay hindi rin sumang-ayon sa partisipasyon ng mga kababaihan sa nasabing patimpalak.

Charlotte Cooper
                                


       Nagkaroon ng malawakang debate sa pagitan ng mga miyembro ng (IOC) International Olympic Committee hanggang sa tuluyang payagan na makasali ang mga babae sa larangan ng tennis sa katauhan ni Charlotte Cooper na taga Britanya na unang sumungkit ng gintong medalya. At noon namang 1908 Games, mayroong kabuuuan ng 36 na kababaihang kalahok sa figure skating at tennis events at pagkatapos ng mga larong ito, nagkaroon ng mga rekomendasyon mula sa British Olympic Association na makalahok ang mga kababaihang swimmers, gymnast at mga divers at pinasinayaan ito noong 1912 Stockholm Games.
        At noong 1924, nakapagdesisyon na ang IOC na payagan ang mas malawakang partisipasyon ng mga kababaihan sa mga laro subalit sa apat na pampalakasan lamang. At pagkatapos ng 1976 Games, mas lalong lumawak ang mga pampalakasang pwede ng salihan ng mga kababaihan kaya noong 1996 Atlanta Games mayroon ng kabuuuang 26 sports at 97 events na pwedeng lahukan ng mga kababaihan. Sa ngayon ay bukas na ang lahat ng pampalakasan sa mga kababaihan kabilang na ang boksing, basketball, soccer atbp.

 
At para sa inyong kaalaman (Source: The Olympic Education, Australian Olympic Committee)

1896 At the first Olympic Games, a Greek woman called Melpomene became the first female to run an unofficial marathon in 4 hours and 30 minutes.
1900 Tennis player Charlotte Cooper of Great Britain became the first female Olympic champion in the tennis singles.
1908 Yachtswoman, Frances Clytie Rivett-Carnac and her husband win gold, making her the first woman in any event to win in a competition with men.
1912 Swimmer, Fanny Durack first woman to win gold in a world-record time.
1928 The collapse of several runners at the end of the 800m saw the race declared dangerous for women and banned.
1948 Triumphant Fanny Blakers-Koen of the Netherlands breaks new ground as the first mother successful at the Olympic Games. She won four gold medals in the 100m, 200m, 4 x 100m relay and 100m hurdles.
1952 The first women ever to compete in equestrian sport (against men).
1956 The first woman, Giuliana Chenal-Minuzzo (Italy), in Olympic history to take the athletes' oath at the Opening Ceremony of the Olympic Winter Games.
1968 Mexico's Enriqueta Basilio becomes the first woman to light the Olympic flame in the stadium. The 800m women's event is re-instated.
1972 70 year old British equestrian competitor, Lorna Johnstone became the oldest ever female Olympian.
1973 The IOC decided that women could be proposed as IOC members.
1980 The greatest mother-daughter Olympic success - when Soviet runner Irin Nazarova, daughter of 1952 discus medallist Elizabeth Bagrinaseva, won gold in the relay.
1981 Pirjo Haggman (Finland) and Flor Isava-Fonseca (Venezuela) became the first women IOC members.
1982 Dame Mary Glen-Haig (Great Britain) was elected member of the IOC.
1984 Princess Nora of Liechtenstein was elected member of the IOC. Joan Benoit (USA) wins the first women's Olympic marathon.
1988 HRH the Princess Royal (Great Britain) was elected member of the IOC. Tennis returns to the Games, with the inequitable agreement that fewer women than men be allowed to compete.
1990 Carol Anne Letheren (Canada) was elected member of the IOC. Flor Isva-Fonseca was the first woman on the IOC Executive Board.
1993 Anita DeFranz (USA) was elected to the IOC Executive Board.
1994 The women's programme for the Olympic Winter Games included 4 sports (biathlon, luge, skating and skiing) and 25 events.
1996 23 women's sports, including soccer, beach volleyball and mountain biking.
1998 6 women's sports including curling and ice hockey.

Friday, July 20, 2012

Happy First Birthday Iyah!

     

                 Hello guys! Just wanna share a short clip made by my wife Palomah dedicated to our lovely daughter Jemimah Aaliyah "IYAH" Madali Dioquino who just turned one last July 19, 2012.
       Enjoy watching!
  
video
               

Tuesday, July 10, 2012

32 ka na! Happy birthday to you!

                   Ang bilis talagang lumipas ng panahon, at dahil sa sobrang bilis nito ay hindi ko namalayang wala na pala ako sa kalendaryo hu hu hu..... pero masaya pa din ako at least nasa mga numero pa din ako ng lotto he he he. Pero okay lang kasi ika nga nila, age are just numbers at wala naman sa edad ang katandaan hi hi hi..

                  Pero sa kabila ng mga numerong iyan napapaloob ang mga masasayang pangyayari sa buhay ko dahil bago ko narating yan ay pinagkalooban muna ako ng mabait at seksing misis na si PALOMAH, binigyan ako ng napakacute na anak sa katauhan ni Jemimah Aaliyah ( IYAH ) at nagkaroon pa rin ng magandang trabaho kahit na bitin sa sweldo nyahahahaha!

               

                    Noong nakaarang linggo pa nangyari ito pero dahil JULY pa din naman kaya ngayon ko lang naipost ito at di ba uso naman yung month long birthday celebration nyak nyak nyak! Nagpapasalamat ako sa misis ko kasi pinaghanda pa nya ako samantalang noong nasa KUWAIT ako ay hindi naman ako nakatikim ng celebration tuwing sumasapit ang kaarawan ko...





                  
                   
                    Nagpapasalamat din ako sa mabait kong byenan dahil siya ang nagluto ng masasarap na putaheng iyan kumbaga isa siya sa naging kasangkapan upang maisakatuparan ang bordey ko. Ayun siya yung nasa gawing kanan.

                    

                     Nagpapasalamat din ako sa isa sa napakaimportanteng tao sa buhay ko dahil siya ang nagluwal sa akin at nagmulat kung gaano kaganda ang buhay sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan pero hindi siya nakapunta dahil may dinaramdam siya nung araw na ito. Mahal kita MAMA!




                    


                          Nagpapasalamat din ako sa mga SPONSORS ko LOL! Pero dalawa lang totoo dyan hahaha!


                   

                    At higit sa lahat nagpapasalamat ako sayo bro.... Ikaw ang dahilan kaya patuloy akong nananatili sa mundo...
                 
                        Hanggang sa muli PAALAM!

Tuesday, July 3, 2012

Namiss ko to PWAMIS!

             


 Hays...... Nakakaaning, nakakapraning, nakakabading!!!!!!!!!!!

               Totoo pala na ang pagtatrabaho ay nakakasira ng pagbablog! Amoy bayag! ay ano ba yan pala! Simula ng mag-umpisa akong magwork ulit na nagsimula noong Abril 11, 2011 ay kita mo nga naman at July 4, 2012 na ngayon ay halos napabayaan at nakalimutan ko na ang pagsulat.. Hays..... baka magtampo na sa akin si Super Gulaman na siyang nangengganyo sa akin sa mundong ito.

                Pero sa totoo lang talaga at walang halong biro, bihira na ako makahawak ng takatak (hindi yung lagayan ng nagtitinda ng yosi, kundi yung talapindutan sa laptop) dahil sa sobrang oras na ginugugol ko sa trabaho. Minsan naiisipan ko na lamang sumulat kapag may mga patimpalak sila Ginoong J. Kulisap at Ser Bino pero aside from that ( huwaw umiingles ) ay sus marya katilpo ay hindi na nasundan pa ang ilang lathalain sa BLAGADAGADAG..

                Pero alam ninyo ba? namiss ko to at namiss ko yung mga taong naging mga kaibigan ko sa mundong ito. Mahirap palang iwanan basta-basta ang mga bagay na pinagtuunan mo ng pansin na gaya nito bukod sa pagdadrugs at pagrarugby joke! kaya nga heto kahit magsulat lang ng kung anu-ano maipadama ko lang sa buong world wide world na talagang namiss ko ang pagsulat. Akalain mo nga naman, bukod sa pagkakamot ng likod, pagtiris ng white heads sa mukha, pangungulangot, pagtitinga sa harap ng salamin ay dumagdag ang BLOG sa mga hobbies ko kaya ipinapangako ko sa sarili ko na kahit gaano ako kabusy ay sisikapin kong  pumapasyal at pasyal-pasyalan din kayong mga naging kaibigan ko dito.

              Naisip ko tuloy minsan kung bakit nalimutan ko ng sumulat kasi sa slogan ng pinagtatrabahuhan ko.....



              " IT'S THE BEST TIME FOR WENDY'S!" lol hahahaha!!!!!  Hanggang sa muli paalam!!!!!!