Wednesday, June 20, 2012

Iyah's Theory of Evolution

              Ilang buwan din ang lumipas pero parang ang bilis lang ng panahon. Hindi rin namin akalain ng Mommy Palomah mo anak na ilang tulog na lang at tiyak isang taong gulang ka na. Hays, parang kailan lang... nasa tiyan ka pa ng mommy mo. Dati kapag ipinagdiriwang namin ang monthly birthday mo, nakatunganga ka lang sa mga pagkain lalong lalo na sa mga cakes mo, pero ngayon aba'y natitikman mo na ang mga handa mo anak. Sa patuloy na paglaki mo Iyah, naririto kami palagi ng mommy mo na tumugon sa lahat ng pangangailangan mo. Lagi ka naming gagabayan upang maging isang mabuti kang anak at mabuting mamamayan ng bansang Pilipinas. Samantala, atin pong tunghayan ang kanyang pagpapalit anyo... Mommy and Daddy loves you so much Iyah! Cheers!

                                                   


















































                                                                                II
                                                                                II
                                                                                II
                                                                                II
                                                                                II
                                                                                II
                                                                                II 
                                                                                II
                                                                                II

                                        ABANGAN NATIN NEXT MONTH SA BIRTHDAY NYA..

Tuesday, June 5, 2012

KM3: Tinig (Hustisya, Balanse ka nga ba talaga? )

               
                  Maraming tinig ang maririnig subalit iilan lamang ang sadyang nabibigyan ng pansin. Kalimitan, sa patuloy na pag-inog ng mundo, tanging mga tinig lamang ng may mga dugong-bughaw at ng mga maharlika ang siyang pumapailanlang. Kaninong tinig ang natatabunan at tila nawawalan ng pagasang maulinigan? Kanino pa, kundi tinig ng mga kapus-palad nating mga mamamayan. Alam kong bawat bagay sa mundo ay itinalaga upang maging balanse gaya na nga ng kapag may mayaman, mayroon din namang mahirap. Subalit bakit pagdating sa pagdinig sa mga hinaing ay mas nabibigyan ng pansin ang tinig ng mga mayayaman?

                  Isa sa karaniwang halimbawa ay ang pagkamit ng hustisya. Maraming   mahihirap ang nasa loob ng rehas na bakal na walang katiyakan kung may pagkakasala samantalang may mga mayayaman namang napatunayang may pagkakasala subalit patuloy na nakalalaya dahil sa sila'y makapangyarihan at maimpluwensya sa lipunan. Nasaan ang pagkakabalanse  sa ganitong klaseng pangyayari? bakit ang tinig ng mga maimpluwensya ang nabigyan ng puwang at sadyang binalewala ang tinig ng mga kapus-palad nating mga mamayan. Minsan nagtatanong ako sa aking sarili, Pilipino tayong lahat sa isip, sa salita, at sa gawa subalit hindi pantay ang pagtingin ng dahil lamang ba sa estado ng buhay? Kasalanan bang maging mahirap at malaking oportunidad ba ang maging mayaman?

                  Mahirap baguhin ang anumang bagay na nakasanayan subalit hanggang kailan tayo magtitiis sa ganitong kalakaran? minsan, hindi na maarok ng aking isipan at akin ng napagtantuhan na kahit na sinong Don Quixote ang mamuno sa ating bansa ay hindi na kayang masolusyunan ang talamak at baluktot na sistema ng hustisya sa pagitan ng mahirap at mayaman. May panahon pa bang maiwaksi ang ganitong uri ng sistema? Kailan aalingaw-ngaw ang tinig ng mahihirap at mabigyan ng pagkakataong maibulalas ang kanilang mga saloobin ng walang takot at pangamba? huwag nating hayaang talampakan ng salapi ang mga bunganga ng mga taong dapat na magbigay ng hustisya. Kayong mga nakaupo sa pamahalaan, hindi pa huli ang lahat para sa isang maigting na pagbabago, kumilos kayo sa mga nararapat na pamamaraang alam ninyo at huwag hayaang ang kasakiman ang manaig bagkus makinig kayo sa sinasabi ng kunsensya ninyo!






Opisyal na lahok sa KM3: TINIG