Saturday, February 4, 2012

An Open Letter



Dear Honey,

                 Alam ko na sa mga oras na ito ay tulog na kayo ni Iyah.. Medyo hindi pa kalaliman ang tulog mo kasi hindi pa masyadong malakas ang hilik mo. Napagod kayong mag-ina sa masayang pamamasyal natin kanina sa SM North Edsa. Magpapasalamat na din ako sa binili mong bago kong pamasok na shoes, maganda siya at lalong gumaganda sa paningin ko kasi alam ko galing sa'yo. Syanga pala Hon, bukas ko na ibibigay yung barya pagkagising mo na lang kasi di ba ang sabi ng mga matatanda kapag may ibinigay sa iyong sapatos or sandalyas kailangan magbigay tayo ng barya.. Bakit nga kaya???? ( hala may assignment pa tuloy ako..)

                 Alam mo Hon.... Masaya ako... masayang masaya kasi sa kabila ng mga pinagdadaaana natin, nanatili tayong matatag hindi katulad ng Banco Filipino ( subok na matibay at matatag daw? ). Matatag at tapat ang pagmamahal mo sa akin at malaki ang pasasalamat ko sa Dios dahil sa kabila ng mga pinagdaanan ko sa buhay.................... May tao pa palang lubos na magmamahal at mag-aalaga sa akin. Masaya din ako kasi binigyan mo ako ng isang malusog na baby na talaga namang lubos na nagpapasaya sa atin. Dati naaalala ko, sabik akong umuuwi ng bahay kasi makikita na kita ulit, ngayon mas lalo akong nasasabik kasi alam ko... dalawa na yung naghihintay sa akin. Hays.. ang sarap at ang gaan sa feeling parang rejoice lang.

                 Mahal kita Hon, mahal na mahal kita..... Alam ko na may nagawa akong kasalanan sa iyo pero nanatili kang nandyan para magpatawad. Ikaw lang ang nagpahalaga sa akin ng ganito Hon, ikaw lang ang nagpamalas sa akin kung gaano kaganda ang buhay. Maswerte ako at daig ko pa ang tumama sa lotto dahil ikaw ang napangasawa ko. Hindi tayo mayaman sa pinasyal at materyal na bagay pero mayaman tayo sa pagmamahal at alam kong iyon ang magiging susi sa ating neverending story..

                Marami mang dagok ang dumaan sa ating buhay.... Isa lang ang alam ko, ngayon pa lang naguumpisa ang kabanata sa buhay natin. Ngayon pa lang natin binabalangkas ang kabuuan ng kwento at anuman ang maging buod........ tiyak happy ending ang magiging wakas.

                Dalangin ko lang sa Dios na sana... bigyan pa niya ako ng lakas upang magampanan ko pa ang pagiging tatay sa inyong dalawa ni Iyah. Marami pa akong pinapangarap sa inyong dalawa kaya sana Lord habaan mo pa ang buhay ko............

                Syanga pala Hon, bukas paggising mo gisingin mo ako ha kasi magsisimba tayo.

                I love you so much Iyah! I love you so much Honey Palomah!

Your loving husband,

    Jedpogi

         

     

Friday, February 3, 2012

Six tapos seven tapos eight....


Anim na buwan ang lumipas, mga masasayang sandali'y iyong ipinamalas
Minsan kang inaasam-asam, kaya ngayo'y labis- labis ang kagalakan
Anim na buwan ka na ngayon at patuloy pang madadagdagan ang iyong gulang
Mahal na mahal ka namin anak at lahat-lahat aming ibibigay....

Para sa iyo ang bidyo na ito mahal naming IYAH....

video