Tuesday, July 3, 2012

Namiss ko to PWAMIS!

             


 Hays...... Nakakaaning, nakakapraning, nakakabading!!!!!!!!!!!

               Totoo pala na ang pagtatrabaho ay nakakasira ng pagbablog! Amoy bayag! ay ano ba yan pala! Simula ng mag-umpisa akong magwork ulit na nagsimula noong Abril 11, 2011 ay kita mo nga naman at July 4, 2012 na ngayon ay halos napabayaan at nakalimutan ko na ang pagsulat.. Hays..... baka magtampo na sa akin si Super Gulaman na siyang nangengganyo sa akin sa mundong ito.

                Pero sa totoo lang talaga at walang halong biro, bihira na ako makahawak ng takatak (hindi yung lagayan ng nagtitinda ng yosi, kundi yung talapindutan sa laptop) dahil sa sobrang oras na ginugugol ko sa trabaho. Minsan naiisipan ko na lamang sumulat kapag may mga patimpalak sila Ginoong J. Kulisap at Ser Bino pero aside from that ( huwaw umiingles ) ay sus marya katilpo ay hindi na nasundan pa ang ilang lathalain sa BLAGADAGADAG..

                Pero alam ninyo ba? namiss ko to at namiss ko yung mga taong naging mga kaibigan ko sa mundong ito. Mahirap palang iwanan basta-basta ang mga bagay na pinagtuunan mo ng pansin na gaya nito bukod sa pagdadrugs at pagrarugby joke! kaya nga heto kahit magsulat lang ng kung anu-ano maipadama ko lang sa buong world wide world na talagang namiss ko ang pagsulat. Akalain mo nga naman, bukod sa pagkakamot ng likod, pagtiris ng white heads sa mukha, pangungulangot, pagtitinga sa harap ng salamin ay dumagdag ang BLOG sa mga hobbies ko kaya ipinapangako ko sa sarili ko na kahit gaano ako kabusy ay sisikapin kong  pumapasyal at pasyal-pasyalan din kayong mga naging kaibigan ko dito.

              Naisip ko tuloy minsan kung bakit nalimutan ko ng sumulat kasi sa slogan ng pinagtatrabahuhan ko.....



              " IT'S THE BEST TIME FOR WENDY'S!" lol hahahaha!!!!!  Hanggang sa muli paalam!!!!!!

               

3 comments:

  1. naku si supergulaman! kasabayan ko yan sa blogging :D. sulat lang ng sulat :)

    ReplyDelete
  2. ayos lang iyan...nauunawaan ka namin..

    ReplyDelete