Tuesday, July 10, 2012

32 ka na! Happy birthday to you!

                   Ang bilis talagang lumipas ng panahon, at dahil sa sobrang bilis nito ay hindi ko namalayang wala na pala ako sa kalendaryo hu hu hu..... pero masaya pa din ako at least nasa mga numero pa din ako ng lotto he he he. Pero okay lang kasi ika nga nila, age are just numbers at wala naman sa edad ang katandaan hi hi hi..

                  Pero sa kabila ng mga numerong iyan napapaloob ang mga masasayang pangyayari sa buhay ko dahil bago ko narating yan ay pinagkalooban muna ako ng mabait at seksing misis na si PALOMAH, binigyan ako ng napakacute na anak sa katauhan ni Jemimah Aaliyah ( IYAH ) at nagkaroon pa rin ng magandang trabaho kahit na bitin sa sweldo nyahahahaha!

               

                    Noong nakaarang linggo pa nangyari ito pero dahil JULY pa din naman kaya ngayon ko lang naipost ito at di ba uso naman yung month long birthday celebration nyak nyak nyak! Nagpapasalamat ako sa misis ko kasi pinaghanda pa nya ako samantalang noong nasa KUWAIT ako ay hindi naman ako nakatikim ng celebration tuwing sumasapit ang kaarawan ko...





                  
                   
                    Nagpapasalamat din ako sa mabait kong byenan dahil siya ang nagluto ng masasarap na putaheng iyan kumbaga isa siya sa naging kasangkapan upang maisakatuparan ang bordey ko. Ayun siya yung nasa gawing kanan.

                    

                     Nagpapasalamat din ako sa isa sa napakaimportanteng tao sa buhay ko dahil siya ang nagluwal sa akin at nagmulat kung gaano kaganda ang buhay sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan pero hindi siya nakapunta dahil may dinaramdam siya nung araw na ito. Mahal kita MAMA!




                    


                          Nagpapasalamat din ako sa mga SPONSORS ko LOL! Pero dalawa lang totoo dyan hahaha!


                   

                    At higit sa lahat nagpapasalamat ako sayo bro.... Ikaw ang dahilan kaya patuloy akong nananatili sa mundo...
                 
                        Hanggang sa muli PAALAM!

9 comments:

  1. wow! sarap pakinggan nung mabait at seksi! LOL!
    Belated happy birthday hon! Love you!

    ReplyDelete
    Replies
    1. totoo lang ang sinasabi ko hon hihihi...

      Delete
  2. wow.... daming handa..belated happie bday boss...

    ReplyDelete
  3. belated hapi bday :) hapi buhay for u and ur family :)

    ReplyDelete
  4. happy birthday!!! God bless u. at hindi naman halatang 32

    ReplyDelete
    Replies
    1. ty naman dyan sa iyong tinuran ser bino!

      Delete