Tuesday, June 5, 2012

KM3: Tinig (Hustisya, Balanse ka nga ba talaga? )

               
                  Maraming tinig ang maririnig subalit iilan lamang ang sadyang nabibigyan ng pansin. Kalimitan, sa patuloy na pag-inog ng mundo, tanging mga tinig lamang ng may mga dugong-bughaw at ng mga maharlika ang siyang pumapailanlang. Kaninong tinig ang natatabunan at tila nawawalan ng pagasang maulinigan? Kanino pa, kundi tinig ng mga kapus-palad nating mga mamamayan. Alam kong bawat bagay sa mundo ay itinalaga upang maging balanse gaya na nga ng kapag may mayaman, mayroon din namang mahirap. Subalit bakit pagdating sa pagdinig sa mga hinaing ay mas nabibigyan ng pansin ang tinig ng mga mayayaman?

                  Isa sa karaniwang halimbawa ay ang pagkamit ng hustisya. Maraming   mahihirap ang nasa loob ng rehas na bakal na walang katiyakan kung may pagkakasala samantalang may mga mayayaman namang napatunayang may pagkakasala subalit patuloy na nakalalaya dahil sa sila'y makapangyarihan at maimpluwensya sa lipunan. Nasaan ang pagkakabalanse  sa ganitong klaseng pangyayari? bakit ang tinig ng mga maimpluwensya ang nabigyan ng puwang at sadyang binalewala ang tinig ng mga kapus-palad nating mga mamayan. Minsan nagtatanong ako sa aking sarili, Pilipino tayong lahat sa isip, sa salita, at sa gawa subalit hindi pantay ang pagtingin ng dahil lamang ba sa estado ng buhay? Kasalanan bang maging mahirap at malaking oportunidad ba ang maging mayaman?

                  Mahirap baguhin ang anumang bagay na nakasanayan subalit hanggang kailan tayo magtitiis sa ganitong kalakaran? minsan, hindi na maarok ng aking isipan at akin ng napagtantuhan na kahit na sinong Don Quixote ang mamuno sa ating bansa ay hindi na kayang masolusyunan ang talamak at baluktot na sistema ng hustisya sa pagitan ng mahirap at mayaman. May panahon pa bang maiwaksi ang ganitong uri ng sistema? Kailan aalingaw-ngaw ang tinig ng mahihirap at mabigyan ng pagkakataong maibulalas ang kanilang mga saloobin ng walang takot at pangamba? huwag nating hayaang talampakan ng salapi ang mga bunganga ng mga taong dapat na magbigay ng hustisya. Kayong mga nakaupo sa pamahalaan, hindi pa huli ang lahat para sa isang maigting na pagbabago, kumilos kayo sa mga nararapat na pamamaraang alam ninyo at huwag hayaang ang kasakiman ang manaig bagkus makinig kayo sa sinasabi ng kunsensya ninyo!






Opisyal na lahok sa KM3: TINIG

13 comments:

  1. BASE! Galing ah... ako nag iisip pa... hon padala mo daw sa email yung entry mo sabi ni J.KUL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Okay na hon... Hirap magisip eh...

      Delete
  2. hello, nakiraan lang at nakibasa. salamat sa matapat mong piyesa... ^^

    hala, am afraid that the scale of justice is really tilted in favor of those with money and power. malungkot at hindi dapat pero sa ngayon, tila gayon pa nga... :c

    good luck sa iyong lahok sa patimpalak and regards. :)

    ReplyDelete
  3. Tama! at hubad na ebidensiya ang ating mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganito ang takbo ng buhay ng pinoy sa pagkamit ng hustisya. HIni ko alam kung saan nag ugat ang panget na sistema.

    Sana lang ay mabago at may magawa ang ating mga tinig na paulit ulit na nating ipinupukol sa kanila!


    Good luick sir jed!

    ReplyDelete
  4. bakit ganun? sa mga paglilitis sa pilipinas, lagi na lang may nao-ospital o bigla na lang nagkakasakit.. lalo na kapag mayaman ‘yung involved.. tapos kailangan, pang-mayaman din ‘yung mga sinasabing sakit..

    ReplyDelete
  5. kadalasan talaga ang hustisya sa atin ay angkop lamang sa may pera....marami talagang nakakulong na napagbibintangan lang pero hindi makalaya lalo kung ang nagbintang ay maimpluwensya.....

    ReplyDelete
  6. mahirap mahagilap ang katotohanan lalo na at sadyang itinatago ito.

    isang patunay ng katotohan ay mailalatag natin sa isang presong napagbintangan sa isang krimen na hindi naman nya ginawa - ang katotohanan ay ang kanyang kalayaan.

    :)

    ReplyDelete
  7. heelooo napadaan lamang sa iyong blog, magandang hapon ^_^

    ReplyDelete
  8. sana hindi tayo tuluyang lamunin ng sistema bago pa mahuli ang lahat.

    Deym!

    layp is ampeyr. :(

    Salaamt sa pagahhain ng katotohanang ito at goodluck sa entry mo kaibigan :)

    ReplyDelete
  9. matapang ang iyong mga sinabi. very well said kuya Jed! winner toh sa debate :)


    Goodluck!

    ReplyDelete
  10. eto ang isa sa realidad.
    bingi at bulag ang hustisya sa mga makapangyarihan

    ReplyDelete
  11. whooooa, ang tapang niyo naman.....bilib po ako sa inyo....goodluck sa lahok na ito...

    http://manulnulat.wordpress.com/2012/06/06/km3-alingawngaw-ng-paos-na-tinig/#comment-41

    ReplyDelete
  12. Ito ay makatotohanang paghahayag ng saloobin. Isa itong reyalidad na nangyayari. Karaniwan nga'y lagi itong lahok sa isang drama sa telebisyon, dula sa radyo o maging sa tanghalan. Na ang tinig ng maimpluwensiya ay mas naririnig kesa sa pakinggan ang tinig ng nasa ibaba. May tinig din ang kapangyarihan at salapi, nakakasilaw iyan sa iba pero ito'y dilat na totoo. Kaya nga nakita mo't naibulalas mo ang tinig ng pagiging hindi balanse.

    Kung hindi man balanse sa paningin ng tao ang nagaganap, balanse din malamang ang pagtingin ng Diyos..dahil ang tinig niya ay mas makapangyarihan sa lahat.

    Maraming salamat sa pakikilahok sa KM3. Tinig. :)

    ReplyDelete