Wednesday, March 21, 2012

Felomena .

Sa larawan makikita ang kanyang angking kagandahan
Tila isang panitikan ang kanyang panloob na kaanyuan dahil sa busilak na kalooban
Sa silid-aklatan mo lang mahihinuha ang kanyang tunay na kahulugan
Bayani ang turing sa kanya ng mga magulang.

Felomena ano ang nangyari, saang kagawaran ka napadpad
Bakit bigla kang napabilang sa mga kalapating mababa ang lipad
Nagmistula kang isang maligno na sa kalaliman lamang ng gabi lumalabas
Larawan ka dati ng kahinahunan subalit ngayo’y laman ng mga bahay-aliwan.

Umaalulong, umaaalagwa parang isang kulisap na nais kumawala
Nagpupumilit makita ang lagusan palabas, subalit hindi mahinuha
Pumailang-lang sa kaitaas-taasan na parang isang saranggola
Subalit ng madikit sa lampara’y tila isang galunggong na lumagpak sa lupa.

Huli na ba ang lahat upang ikaw ay magbago?
Sadlak na nga ba sa putik at sa kagawarang kinabibilangan mo?
Kailan manunumbalik ang larawan ng kasiyahan…
Bumangon ka Felomena at linisin ang malansang amoy ng galunggong na bumabalot sa katauhan….


Opisyal na lahok sa "BAGSIK NG PANITIK" literary contest ng Damuhan

18 comments:

  1. Galing ng mister ko ah! Aprub!!!

    ReplyDelete
  2. maraming salamat sa pagsali sa Bagsik ng Panitik :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. isang karangalan sir bino ang sumali sa pakontes mo..

      Delete
  3. hehe..habang binabasa ko pre, parang naririnig ako ang kantang magdalena ni Freddie sa utak ko..hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. naalala ko nga din si freddie aguilar sa sinulat ko tol akoni hahaha!

      Delete
  4. ganda din natin, mahihirapan sigurado si bino

    ReplyDelete
  5. mula kay jhengpot napadpad ako....good luck sa inyong dalawa....maganda ang pagkakasulat mo....kalapating mababa ang lipad..

    ReplyDelete
  6. Kasamahan ni Magdalena ito Sir.

    Matandang propesyon na ito. Kasama sa agos ng buhay natin sa mundo.

    Ayos na ayos po ang tula Sir Jed

    ReplyDelete
  7. good luck yey napadaan lang po!

    ReplyDelete
  8. Nagbasa. Humusga. Sadyang ang kapalara'y minsan ay mapaglaro, kung saan ka man dalhin nito'y walang ibang magagawa kung hindi umayon sa daloy at takbo. Makakaahon ba sa dilim o hahayaan na lang sa isang sulok ng karimlan? Si Felomena, marami ang katulad niya. Hindi maiwasang husgahan ng madla ngunit anong magagawa kung ang lipunang kinabibilangan ay mapangmata. May pag-asa ba pa?

    ReplyDelete