Saturday, February 4, 2012

An Open Letter



Dear Honey,

                 Alam ko na sa mga oras na ito ay tulog na kayo ni Iyah.. Medyo hindi pa kalaliman ang tulog mo kasi hindi pa masyadong malakas ang hilik mo. Napagod kayong mag-ina sa masayang pamamasyal natin kanina sa SM North Edsa. Magpapasalamat na din ako sa binili mong bago kong pamasok na shoes, maganda siya at lalong gumaganda sa paningin ko kasi alam ko galing sa'yo. Syanga pala Hon, bukas ko na ibibigay yung barya pagkagising mo na lang kasi di ba ang sabi ng mga matatanda kapag may ibinigay sa iyong sapatos or sandalyas kailangan magbigay tayo ng barya.. Bakit nga kaya???? ( hala may assignment pa tuloy ako..)

                 Alam mo Hon.... Masaya ako... masayang masaya kasi sa kabila ng mga pinagdadaaana natin, nanatili tayong matatag hindi katulad ng Banco Filipino ( subok na matibay at matatag daw? ). Matatag at tapat ang pagmamahal mo sa akin at malaki ang pasasalamat ko sa Dios dahil sa kabila ng mga pinagdaanan ko sa buhay.................... May tao pa palang lubos na magmamahal at mag-aalaga sa akin. Masaya din ako kasi binigyan mo ako ng isang malusog na baby na talaga namang lubos na nagpapasaya sa atin. Dati naaalala ko, sabik akong umuuwi ng bahay kasi makikita na kita ulit, ngayon mas lalo akong nasasabik kasi alam ko... dalawa na yung naghihintay sa akin. Hays.. ang sarap at ang gaan sa feeling parang rejoice lang.

                 Mahal kita Hon, mahal na mahal kita..... Alam ko na may nagawa akong kasalanan sa iyo pero nanatili kang nandyan para magpatawad. Ikaw lang ang nagpahalaga sa akin ng ganito Hon, ikaw lang ang nagpamalas sa akin kung gaano kaganda ang buhay. Maswerte ako at daig ko pa ang tumama sa lotto dahil ikaw ang napangasawa ko. Hindi tayo mayaman sa pinasyal at materyal na bagay pero mayaman tayo sa pagmamahal at alam kong iyon ang magiging susi sa ating neverending story..

                Marami mang dagok ang dumaan sa ating buhay.... Isa lang ang alam ko, ngayon pa lang naguumpisa ang kabanata sa buhay natin. Ngayon pa lang natin binabalangkas ang kabuuan ng kwento at anuman ang maging buod........ tiyak happy ending ang magiging wakas.

                Dalangin ko lang sa Dios na sana... bigyan pa niya ako ng lakas upang magampanan ko pa ang pagiging tatay sa inyong dalawa ni Iyah. Marami pa akong pinapangarap sa inyong dalawa kaya sana Lord habaan mo pa ang buhay ko............

                Syanga pala Hon, bukas paggising mo gisingin mo ako ha kasi magsisimba tayo.

                I love you so much Iyah! I love you so much Honey Palomah!

Your loving husband,

    Jedpogi

         

     

4 comments:

  1. Touched naman ako sa letter mong ito hon... We'll slamat din sa pag appreciate mo on how i treat you as my husband and a father of our child...Pacencia ka na kung hindi kamahalan yung shoes na nabili natin, basta alam ko babawi tayo sa susunod, mas maganda pa dun sa nabili natin for sure... mejo nag aadjust pa kasi tayo diba? Ang mahalaga, masaya tayong magkasama kahit walang masyadong pera, at higit sa lahat wala tayong mga sakit lalong lalo na si Iyah....

    Salamat din, coz you’ve accepted your mistakes, sana lang po wag ng mauulit, Now, I'm bringing back my trust to you, sana po wag mong sisirain ha...

    Nandito na tayo hon eh, kumbaga dis is it na, gugustuhin pa ba nating masira ang pamilyang halos naguumpisa pa lang?

    Wag sana tayong gagawa ng mga bagay na maaring ika-sira ng ating relasyon,higit lalo ng ating pamilya... dahil alam naman nating, mahirap na buuin ito pag napilatan na...

    Hon, mahal na mahal din kita, diba nga sabi ni monsI kahapon sa misa " Hanggat hindi nagksala ang asawa mo sayo at hindi mo napatawad, hindi mo sya mahal"...

    Mahal kita hon, kaya nga andito pa rin ako para sayo eh, hindi pa rin naman ako bumibitaw sa kabila ng lahat...

    Alam ko marami pa tayong pagdadaanan, nawa'y manatili tayong matatag ano mang bagyo ang dumating sa atin...

    Masaya din ako dahil ikaw ang binigay ng Diyos sa akin, sadyang napakarami kong natutunan sayo hon...

    Mahal na mahal kita hon, kayo ni Iyah...

    ReplyDelete
  2. wow!
    napabuntunghininga ako..hano beh!
    sweetness naman..
    napadaan lang po..

    ReplyDelete