Wednesday, January 11, 2012

Mga Gabay Tungo sa Magandang buhay

      Ang buhay o life sa wikang english, vita sa italyano, leven sa wikang dutch, vida sa wikang portugues, vie sa wikang french atbp ay isang napakalaking palaisipan na kung iyong pagninilay-nilayan ay tila isang walang katapusang pakikipaglaban upang maabot ang anumang mithiin sa buhay.

Kaya't kung gusto mong mahanap ang ninanais na kasagutan upang matamo ang minimithing maganda at maalwang buhay ay kinakailangan mong gawin ang mga sumusunod:


Tumingin sa di-kalayuan, huminga ng malalim at tanawin ang tanawing hindi matanaw.. 

Para sa mas mahirap na isipin... Isubo ang kamay at kamutin ang kaliwang tenga..

Humaching pero sikaping walang lalabas na ingay o tunog upang d makabulahaw sa kapitbahay...

Halungkatin ang iba pang kasagutan sa loob ng ilong sa pamamagitan ng french fries...

Sumangguni sa mga kaibigan kung kinakailangan baka sakaling makita ang hinahanap na kasagutan...

Maaaring hanapin ang kasagutan sa regalong nakamtan pero mas mabisa kung bibig ang ipambubukas...



Magsaliksik sa net para sa mas epektibong pamamaraan...

Subukang magtanong sa siraulong tatay baka may mahanap na kasagutan...

Matulog na lang kapag hindi na kaya ng isipan at baka sakaling paggising ay malaya ka ng kaisipan..

 Ilan lamang yan sa mga hakbang na maari mong sundan subalit iyan ay pawang mga gabay lamang at ikaw pa rin sa sarili mong pananaw ang magdedecide kung ano ang nararapat. Hanggang sa muli!

4 comments:

  1. yung si J.kulisap? haha sa wakas nakita din..astig ang pag caption mo sa mga pics ng anak mo..hehe

    ReplyDelete
  2. ang kyut ni baby IYA marunong nang magFB..

    ReplyDelete
  3. Hindi si J. Kulisap yan, kathang isip lamang... hehehe

    ReplyDelete