Wednesday, January 25, 2012

Malayo Pa ang Umaga


      Malakas ang ulan ng mga panahong iyon, makulimlim at galit na nagpapalitan ang kulog at kidlat. Hindi naging madali para sa magkaibigang Juan at Marcelo na tahakin  ang maputik na daan patungo sa  kanilang pakay na lugar…..

      Juan! Malayo pa ba ang ating pupuntahan?

      Sa pagkakaalam ko, Mga limang kilometro pa ang layo magmula rito…. (sagot ni Marcelo habang nagpapahid ng tubig na umaagos sa kanyang mukha mula sa tubig ulan..)

      Napakamot sa basang ulo si Juan at walang nagawa kundi ipagpatuloy ang paglalakbay….

       Mabilis at malalaki ang hakbang ni Marcelo na hindi alintana ang mga nagtatalsikang putik at ang panganib na baka may maapakang matalim na bagay samantalang si Juan naman ay hinahabol ang hininga sa lakad-takbong ginagawa…

       Nasa halos kalagitnaan na sila ng kanilang paglalakad at medyo tumitila na rin ang kaninang malakas na ulan ng may matanaw si Juan sa di-kalayuan na isang malaking aso.. 

        Pare! May aso! Natigilan ang dalawa….. Ang basa at hindi maipintang mukha ni Marcelo ay lalong nadagdagan ng pagkadismaya…

         Huwag mo siyang intindihin pare! Tapang-tapangang sambit ni Marcelo habang papalapit sila sa lugar kung saan naroroon ang aso…

         Nakatingin ang malaking aso habang papalapit ang dalawa kasabay ng isang mahinang………. GRRRRRRRRRRRRRRRRR na may kasamang pagtulo ng laway ng tila nauulol na aso..
     

         Napahinto ang magkaibigan….. Nice Doggieee! Don’t bite doggie! (sambit ni Juan). Gago! Huwag ka ngang maingay diyan! (maangas na tugon ni Marcelo)               

          Kaw! Kaw! Kaw! Malakas na tahol ng aso  habang nanlilisik ang matang nakatingin sa dalawa.

          Tang ina namang buhay to o! (mangiyak-ngiyak na sambit ni Marcelo habang nanginginig ang tuhod at nahihintakutang mukha na nakamasid sa tila halimaw na nakaharang sa kanilang dadaanan).

          EEEEEENNNGGGGGGGGGGGGGGGGGGG KABOOMMMMMM! Isang malaking bato ang tumama sa mukha ng aso at walang sabi-sabing kumaripas ng takbo ang malaking aso habang nakapamaywang at nakangiting nakatingin si Juan na tila isang superhero na nagwagi laban sa isang halimaw!

           You’re my hero! ( sambit ni Marcelo.)
                                                                                              
            HAR HAR HAR! Don’t mention it, come again!  (nakangising wika ni Juan.)

            Tara na Pre! Natatanaw ko na siya! Ang kani-kaninang hindi maipintang mukha ni Marcelo ay napalitan ng isang maaliwalas at tila tumama sa lotto na pagmumukha..

            Masayang humangos ang dalawa patungo sa nasabing lugar na may halong galak at tuwa.

            Akmang papasok na ang magkaibigan ng harangin sila ng isang matandang may dalang mop at may dalang plakard na may nakasaad na…

            IHI- 10.00 PESOS / DUMI- 20.00 PESOS

            WAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH magkasabay na umatungal ang dalawa na wala palang dalang pera.

BY THE WAY ( mga gate crasher pala ang dalawa sa mga okasyong hindi sila imbitado at ayun naparami ng kain eh nahiyang makitae kaya ayan!)

Hanggang sa muli! Paalam!
        

1 comment: