Monday, January 2, 2012

Isang taon ka na pala????

Isang maligayang pagbati ng Manigong Bagong Taon sa lahat!

Masaya ang naging pagtatapos ng taong 2011 sa akin at sa aking pamilya at umaasa din ako na sana'y maging maganda din ang pasok at mga mangyayari para sa taong 2012.

Pero bago ang lahat ay nais ko lamang batiin ang ang aking blogsite ng Happy Anniversary dahil hindi ko akalaing naka-isang taon na pala ito. Una-una ay nagpapasalamat ako sa taong kumumbinse sa akin sa larangan ng pagboblog at iyon ay walang iba kundi si super gulaman na talagang naginspire sa akin sa larangan na ito. Miss ko na basketball natin Super G!


Nagpapasalamat din ako sa aking maybahay na si palomah dahil sa patuloy na pagiinspire sa akin upang sumulat ng mga bagay-bagay at sa patuloy na suportang ibinibigay sa akin. Sa aking anak na si Jemimah Aaliyah na naging laman ng aking mga lathalain na talaga namang mahal na mahal naming mag-asawa.

Nais ko ding magpasalamat kay Ginoong Roy Paran kasi ng dahil sa kanyang pakontes ay naging Dot com ang aking Blogsite.

Malaki din ang pasasalamat ko sa mga naging kaibigan ko sa larangan na ito at hinding-hindi ko ipagkakait ang pagkakataong ito na i-enumerate kayo hehehe.. Many thanks to you my dear friends namely: Tol Arvin, Tol Xander, Miss Leah, Tol AXL, Tol Bulak, Sir Bino, Miss Gracia, Binibining Ester Yaje, Miss Jhengpot, Sir Banjo, Tol Akoni, Miss Kamila, Miss Lanie, Miss Iyahkin, Mommy Razz, Tol Glentot, Tol Dylan, Miss KRN, Miss Traveliztera, Tol Bonbon, Miss Algene, Miss Rose, Miss KM, Miss HartlessMiss Farjah at kung mayroon man akong hindi naisama sa listahan ay inyo pong ipagpaumanhin ang aking katamaran....

Syanga pala walang number 1 dyan ha! pinagsunod-sunod ko lang sang-ayon sa blogroll ko hehehe...

Nawa'y magpatuloy pa ang aking kasipagan at hindi ang katamaran sa pagsusulat. Sinasabi ko na nga ba at nakakasira ng pagboblog ang pagtatrabaho nyak nyak nyak!!!!

Isang bagong taon at isang bagong pag-asa para sa lahat! Tara na! TOTOT tayo lol!

7 comments:

  1. happy anniversary Jedpogi! malapit na din ang anniversary ng blog ko, pahinge ng picgreet.. hehe! happy new year! sa inyo ni Paloma, hugs kay baby IYA..

    tnx for mentioning my name.. welcome!

    ReplyDelete
  2. Halos sabay-sabay pala tayong pumasok sa blogging world. HAPPY ANNIVERSARY sa atin 'tol. More kwento pa sa kyut na kyut niyong anak. Oo nga pala, pati anak natin halos sabay din..haha..astig!

    ReplyDelete
  3. Happy Anniversary sa blog mo hon! congrats! naka 1 year ka na pala...parang kelan lang...cheers!!!

    ReplyDelete
  4. happy anniversary sa blog mo. salamat sa pagbisita sa blog ko..=D

    ReplyDelete
  5. happy anniversary sa blog mo....magkaibigan pala kayo ni supergulaman sa totoong buhay.....magaling siguro kayong dalawa mag basketball,hehe...

    ReplyDelete
  6. kapatid ni super g si misis tol arvs hehehe..

    sa mga bumisita marami pong tenk yu!

    ReplyDelete
  7. happy blogsary!!! (nakikisabay ako sa mga nagkomento!! LOL) hehehe

    ReplyDelete