Thursday, December 22, 2011

Si Jedpogi at si Iyah

Pinagbiyak na bunga
Pinagbiyak na sanga
Hindi maikakailang
Mag-ama nga sila

Buhok pa lang
Mahahalina ka na
Mana ba sila kay Son Gokou
Na tumitira ng Meka meka?

Parehas na makulit
Sa picture lang mabait
At kapag sila'y nagpapicture na
Pag sinabing Smile! Aba'y parehas nakanganga

Sila ang magtatay
Na parehas maingay
Pero iisa lang kanilang mahal
Si Palomah na galawgaw he he he...

Tuesday, December 20, 2011

I'm Dreaming of a WET Christmas

    Nakakayamot nitong mga nakaraang araw kasi akalain mo ba naman...... magpapaskko na ulan pa din ng ulan???? Anong petsa na????? Hay naku! Pero base na rin sa aking masusing pagsasaliksik ay nalaman ko ang kadahilan ng labis na pag-ulan. Panoorin ninyo ang misteryo sa likod ng patuloy na pananalasa ng ulan sa buwan ng kapaskuhan.
   Maligayang pagbabalik nga pala sa akin sa mundo ng blog dahil matagal din bago nakasulat ulit.
video

Saturday, December 3, 2011

Iyah Kristiyano ka na

Parang kailan lang nung nasa sinapupunan ka pa
Parang kailan lang nung isilang ka
Parang kailangan lang o kay bilis lang talaga
Parang kailan lang nagayon Kristiyano ka na

Welcome to the Christian world Iyah anak! Mommy and Daddy loves you!