Monday, October 31, 2011

Ang Kalusugan ay Kayamanan

Naniniwala akong ang kalusugan ay kayamanan. Bakit Kanyo? Trabaho ka ng trabaho, kayod ka ng kayod para saan? Para pag naospital ka may pambayad ka? Aanhin mo ang maraming pera kung hindi ka naman miyembro ng MMK.. ( Mamamayang Malusog at Kapakipakinabang ).

Well... ala lang, ako kasi kahit na sobrang dami kong trabaho ay sinisiguro kong mapapanatili ko ang aking healthy lifestyle. Kung tutuusin, napakaraming paraan upang mapanatili mo ito. Kagaya ko... sa edad kong trenta'y uno ay patuloy pa rin akong naglalaro ng basketball na talaga namang lubos kong kinahiligan.

Isa pa sa gustong-gusto namin ng misis kong si Palomah ay ang magjogging... Narito ang ilan sa mga kuhang litrato bilang patunay....... kaya lang hindi nakatakbo si Palomah kasi kasama namin siyempre ang aming Unica Hija na si Jemimah Aaliyah....

And so the picture have spoken......................






































Hanggang sa muli paalam!

Monday, October 24, 2011

Honey I have a Confession

Paano kung isang araw umamin sa inyo ang inyong mister na may kabit siya???

Friday, October 21, 2011

Happy 3rd Month Iyah

           Last Wednesday ay ika-3rd month ng baby namin ni Palomah. As usual hindi maaaring hindi namin icelebrate ang espesyal na araw na ito para sa aming unica hija. Hindi namin iniexpect na maraming bisitang darating pero marami pa din sa mga close friends ng misis ko ang nagsipunta. Present din ang Mama at Papa ko na tuwang tuwa sa kanilang apo. Malaki naman ang pasasalamat ko sa byenan ko na si Mama Ester na siyang nagpagal sa pagluluto na at the same time busy din sa pag-aalaga sa aming baby sa kadahilanang parehas nga kaming nagtatrabaho ni misis Palomah. Kung susumahin ang lahat lahat, maayos naman naming nairaos ang simpleng okasyon na ito. Narito ang ilan sa eksena sa espesyal na araw ni IYAH.