Monday, September 26, 2011

RINGSIDE

Risin' up, back on the street
Did my time, took my chances
Went the distance
Now I'm back on my feet
Just a man and his will to survive
( Hango sa awitin ng Survivor na pinamagatang "Eye Of the Tiger")

Sa hirap ng buhay ngayon kailangan ng maghanap ng sideline hehehe...

Pabayaan nating ang mga larawan ang magesplika kung paano sumideline...

this is it...

testing testing...

sino ba makakalaban ko?

game na..

mukhang malakas to ah...

right jab...

left jab...

uppercut!

straight hook...

hundred hands...

etong sayo!

ayan pa!

teka teka...

hahahahaha!

ano kaya mo pa?
Teka sino nga ba kalaban nitong ungas na to????











Ay sows!!!!!!

Friday, September 16, 2011

Mga Girlfriends Ko..

            Sa panahon ngayon mahirap magmahal sa tatlong babae ng sabay-sabay pero para sa akin napakadali lang.. Basta kailangan ibigay mo lang sa bawat isa sa kanila ang atensyon na kanilang hinihingi at sakto kayang kaya mo ng magmahal ng three ladies at a time. Hindi ko ipinagmamayabang na magandang lalaki ako pero anong magagawa ko kasi sabay-sabay ding umibig ang tatlong babaeng ito pero hindi naman sila sabay-sabay nagdatingan sa buhay ko. May nauna sa kanila pero ni isa sa kanila wala akong mabitawan.. Ipakikilala ko na lang sa inyo ang tatlo kong girlfriend at syempre magopen na rin ako about sa profile nila and here are they:





Name: Jemimah Aaliyah "IYAH" Dioquino
Age:    2 Months Old
Hobbies and Interest : Matulog, dumede, maglaro at dumaldal
Favorite song: Pilipinas kong mahal, If we hold on together







                                      
                                      

                                        
                                        


 Name: Jenifer "Palomah" Madali
 Age: 26 years old
 Occupation: Billing Specialist, Housewife
 Hobbies: Dancing, singing and taking care of IYAH
 Favorite song: Pilipinas kong mahal, If we hold on together














Name: Emilia "Emmie" Dioquino
Age: 59 years old
Occupation: Housewife
Hobbies: Magtongits, matulog, maglaba
Favorite song: You made me live again

O di ba? Sinong may sabing mahirap magmahal ng tatlong babae at the same tine hehehe... Sila ang mga girlfriends ko... si iyah baby ko, si palomah wifey ko at si emmie ang mommy ko... Cheers!

Monday, September 12, 2011

Share Lang



Share ko lang tong nabasa ko sa facebook... It reminds me of someone...


Isang gabi naglalakad ako sa isang madilim na iskinita .. Bigla akong may narinig na tila SUMPA..
.

... .

... "ANABI AH ILONER O PEING AD MAYA LAM A TING A EMER HAD ANABI ONA UBER OP MOR MAASIN"
.

.

haLos mabaLiw ako ..
.

.

lalo na nung makita sa sulok ng mga mata ko na NGO-NGO pala ang kumakanta ng "BILLIONAIRE"..

uulitin nya yan =)) haha
 

Iphone, Itouch, Ipad ............ ICare



Tutut! Tutut!
Teteten teten teteten! Teteten teten teteten!
Kringggg! Kringgg!


Cellphone here, there and everywhere! Hindi ko natatandaan nung nag-aaral pa ako na may hawak akong cellphone or may dala akong cellphone. Ang tangi kong natatandaan eh yung tatawag ako sa telepono hawak ang tatlong bente singko..

" Sige na pare.. papalit ng barya! Sige na please naman o ale miss na miss ko na siya! " ( hango sa awitin ni Dingdong Avansado )

Pero ngayon, mapapansin mo na kahit na sinong tao may hawak na cellphone mapabata man o matanda. Sa aking pananaw, ang cellphone ngayon ay pangangailangan na at hindi na luho lamang. Pero sa bilis na takbo ng panahon, napakadami na ng cellphone na naglabasan at iba't ibang uri na ang naglabasan. Napakabilis ng pagbabago lalong lalo na sa pag-unlad ng teknolohiya.

Sa patuloy na paglago ng teknolohiya, huwag sana nating balewalain at patuloy pa rin nating ingatan ang Inang Kalikasan. Kasabay ng pag-iingat na yun ay ang pag-iingat na rin natin sa ating sarili dahil sa mga negatibong maidudulot ng sobrang paggamit ng cellphone. Hindi ko na kailangang talakayin pa ang mga ito dahil alam kong alam na ninyo ang mga ito.

Enjoy texting and calling! Cheers!