Tuesday, July 26, 2011

Luha "Nang Siya ay Lumisan"

Luha ng kagalakan ng siya ay makamtan
Lubos ang kasiyahan at tila walang katapusan
Laging masaya at may ngiti sa mga labi
Ang nararamdamang pag-ibig ay hindi maikukubli

Ninais mong ang bawat sandali ay huwag ng mapawi
Lahat ay iyong gagawin kahit butas ng karayom ay papasukin
Buong lakas ay nakasalalay at ang buhay ay handang ialay
Lahat para sa minamahal at iniibig mong tunay..

Subalit kahit lahat ay ibinigay bakit humantong sa paghihiwalay?
Bakit ang iyong mundong dating makulay ay biglang nawalan ng saysay
Wala kang naging ibang hangad kundi ang magmahal lang ng lubusan
Sadya nga bang ang lahat ng mga bagay ay limitado at may hangganan?

Ngayon sa iyong pag-iisa ay siya pa rin ang iyong iniisip
Ang mga luha'y walang tigil sa pagpatak at ang dibdib ay naninikip
Pinipilit alalahanin kung bakit ngayo'y wala na siya
Paggising sa umaga ang dalangin sana'y tuluyang makalimot ka na...



Pamagat: Luha: "Nang Siya ay Lumisan
May-akda: JEDPOGI
Ipinaskil: ika-27 ng Hulyo 2011
opisyal na lahok sa patimpalak ni Iyah.

Friday, July 22, 2011

May Maisulat Lang

Kung gusto kong maging isang cartoon character, gusto kong maging si Sponge Bob kasi kayang kaya nyang iabsorb lahat...  



Kung mag-aalaga naman ako ng domesticated animal, pipiliin ko si CatDog kasi d ba two in one. 




Kung magpapakain naman ako ng daga, aba'y syempre si Mickey Mouse na lang ang papakainin ko. 





Kung papipiliin naman ako ng mga chikiting, ang Power Puff Girls ang pipiliin ko kasi magaganda na eh may super powers pa.. 




Kung sa palakihan naman ng muscle aba'y walang sinabi mga biceps ninyo kay Johnny Bravo. 




Gusto ko namang maging kasing talino si Dexter at makijoin sa kanyang laboratory...




Kung pagandahang lalaki aba'y wala ng tatalo pa kay Mr. Bean.




Wala lang... May maisulat lang he he he....

Wednesday, July 20, 2011

Ang Bida

Habang sinusulat ko ito ay kasalukuyang puyat, pagod at bangag pa kami ni misis pero sulit ang lahat ng mga ito dahil dumating na sa wakas ang bida ng aming buhay. Ang batang magpapakumpleto sa amin upang matawag kaming isang pamilya ay dumating upang maghatid sa amin ng tuwa at saya.















Hanggang dito na lang muna hehehe.. Cheers!

Friday, July 15, 2011

Tawa Muna!

Isang pampagising sa inyong mga natutulog na balintataw! Mga nakakatuwang larawan buhat sa kawalan he he he... Cheers!

Talagang nakakatakot  na talaga ang mga pulis ngayon he he he...    
Parang kagat lang yan ng langgam kaya hindi ako takot!
Teka anak may magandang view dun teka piktyuran ko muna!
Huy ate pagkatapos mo ikaw naman tutuntungan ko ha!
Mommy naman nilagyan mo yata ng pampatulog itong pansit na ito eh.. ngoorrkkk!
Anong tinitingin tingin ninyo dyan? Nakakalalaki kayo ah!
Safe na safe ako sa mga lamok dito he he he....
Nagenjoy ba kayo??? Ha ha ha! Ako nagenjoy eh hehehehe....

Thursday, July 14, 2011

Multiple Yahoo ID

Wala akong maipost hays, sobrag busy sa work........
Wala akong masyadong maishare sa inyo kaya para sa mga gumagamit ng yahoo messenger, kung gusto ninyo gumamit ng maraming id ng sabay sabay heto po ang teknik... cheers po!

Follow these steps : ==>>
* Go to Start ==> Run ==>> Type regedit, hit enter
* Go to HKEY_CURRENT_USER ==>> Software ==>> Yahoo ==>> pager ==>>Test
* On the right pane ==>> right-click and choose new Dword value .
* Rename it as Plural.
* Double click and assign a decimal value of 1.
* Now close registry and restart yahoo messenger.
* For signing in with new id open another messenger .

 NOTE: You can assign any decimal value for as how many id’s you want to use. For example you can put 10,20,30,40 ,100 so on and so forth. Have fun with your multi log in Yahoo Messengers!

Sunday, July 10, 2011

Kailan Ba?






Lagi na lang puso ko ay nasasaktan
Bakit ba ganyan ang buhay
Ang buhay kong ito bakit ba laging kay gulo
Kailan ba matatapos ito?

Nasaan ang liwanag
Nasaan ang pagasa

Kailan ba titigil ang unos sa buhay ko?
Kailan ba hihinto sa pagpatak ang luha ko?
Kailan ba?
Kailan ba?

sumubok lang gumawa ng komposisyon he he he.. medyo mahina lang yung volume pero pagtiyagaan nyo na! cheers!

Thursday, July 7, 2011

Birthday ko Parang Birthday nyo!

Kaarawan ko na naman at syempre tumanda na naman ako ng isang taon. Next year nakupo wala na ako sa kalendaryo kaya sana ipinagdarasal ko sa Diyos na sana sa sunod na taon lahat ng buwan hanggang 32 hehehe...

Syempre masarap magnilay-nilay at sariwain ang mga nakalipas na buwan simula ng huli akong nagbirthday. Huling birthday ko ipinaghanda ako ng honey ko na si PALOMAH ay teka post ko nga yung mga picture for reminiscing purposes....













Yan yung ilan lamang sa mga kuha nung birthday ko last year. Syempre yung unan na may nakalagay na I love you honey Jed ang regalo sa akin ng pinakamamahal kong asawa. Pero ngayong taon, alam ninyo ba kung ano ang regalo sa akin ng honey ko? Heto o.....









Ayan ang pinakamagandang regalo sa akin ng Honey ko... Ilang tulog na lang at lalabas na yan.. Hinihintay ka na namin Jemimah anak! Happy Birthday sa akin! Cheers!