Thursday, June 30, 2011

Isang Taon Na!


Parang kailan lang, hindi naman tayo gaano nagpapansinan..
Parang kailan lang, magkatrabaho lang ang ating turingan..
Parang kailan lang, ng maghiwalay ang ating mga landas..
Parang kailan lang, ilang taon na nga ba ang lumipas?

Dumaan ang limang taon at marami ng nangyari..
Mga segundo at oras na lumipas
Mga araw at linggong dumaan na parang hangin
Mga buwan at taong nagdaan na Diyos lang ang makakapagsabi..

Hindi na natin namalayan
Mas mabilis pa sa kidlat na dumaan
Basta ang huli kong natatandaan
Sa isang mall ang ating muling naging tagpuan

Pagkatapos ng pagkikitang iyon,
Hindi lang basta doon nagtapos iyon,
Nasundan pa ng maraming pagkikita at pag-uusap sa pamamagitan ng text
Hanggang sa tuluyan na nating makalimutan ang ating mga EX..

Muling nasimulan ang naudlot na pag-iibigan..
Muling umusbong ang matamis na pagtitinginan..
Basta bigla na lang natin namalayan,
Tayo pala ay ganap ng nagmamahalan..

Ngayon isang taon na ang lumipas,
Anibersaryo na pala natin bukas..
Isang napaka-espesyal na araw para sa ating dalawa..
Saan mo balak tayo pumunta? (nood tayo transformer Hon!)

Maligayang unang anibersaryo sa ating dalawa Honey ko!

Sunday, June 26, 2011

Marcelito Pomoy the Pilipinas Got Talent Champion

     Ikaw na! Ikaw na! Ikaw na Marcelito ang tunay na Pilipinas Got Talent Champion! Sa mga hindi nakapanood ng winning piece aba'y huwag ng palampasin ang pagkakataon! Enjoy lang po! Cheers!


Nakakapanindig na balahibong boses grabe! Saludo ako sayo Pre!

Saturday, June 25, 2011

NAKAJACKPOT

Grabe sobrang saya ko.... Akalain mo! For the very first time ay nanalo ako sa lotto! Aba'y syempre ang una kong ginawa ay ang mga sumusunod:

1. Nagpunta ako sa lotto outlet na pinagtayaan ko para ipavalidate ang winning ticket ko.
2. Pagkagaling sa lotto outlet eh umuwi muna ako ng bahay para maligo at gumayak patungo sa PCSO.
3. Pagkatapos kong maligo ay tumawag ako sa Honey ko upang sabihin sa kanya ang magandang balita aba'y syempre sobra din ang tuwa kasi nga naman masosolve ang lahat ng financial problems namin.
4. Pagkatapos naming mag-usap ni Honey ko sa phone ay nagpaalala pa siya sa aking mag-ingat daw ako at huwag munang ipaalam sa iba ang "Good News!"
5. Umalis na ako ng bahay upang magtungo sa PCSO office.
6. Pumila ako ng mahaba-habang linya sa PCSO dahil marami din palang kumukubra ng panalo pero hindi lang sa lotto kundi pati sa sweepstakes, EZ2, Suwertres ATBP.
7. Nung turn ko na, vinalidate sa computer ang winning ticket ko at kasabay nun hinanapan ako ng mga legal documents gaya ng ID etc.
8. Syempre ako ang nag-iisang winner kaya sobra talaga ang tuwa na may kasamang galak dahil sa napakalaking pera na aking matatanggap.
9. Kailangang ideposito sa alin man sa aking existing bank account ang premyo upang mapangalagaan syempre ang buhay ko kasi alangan namang ibigay sa akin ng cash yun.
10. Medyo naghintay pa ako ng matagal sa opisina pero hindi ako naiinip kasi alam mo na... hehehe...

Ilan lang yan sa mga pagkakasunod-sunod na ginawa ko pero hindi ko namalayan na naidlip pala ako sa sobrang tagal.

Maya-maya may naramdaman akong sunod-sunod pero mahinang tapik sa aking balikat sabay sabing...

Ser! Ser! Ser! Dali-dali kong minulat ang mata ko sabay sagot ding... Bakit ho?

Ser, ROOSEVELT STATION na po!

Huh????????????? WATDAPAK!!!!

Nasa loob pala ako ng LRT line1 na nagbuhat sa Pedro Gil Station patungong last station na Roosevelt!

WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH! Nakatulog pala ako kasi galing ako ng work kasi GraveYard Shift pala ang duty ko HUWAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! HUWAAHHHHHHHHHHHH ulit! PANAGINIP lang pala ang lahat nyahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!

Friday, June 24, 2011

BASA DAW KASI

Buti pa ang mga damit... Kapag basa pwede mong isampay para matuyo... Pero nagkakamali pala ako.... Kung nabalitaan ninyo si Jerzon Senador, ito lang naman ang sinampay niya.. AY HAYUP!

  
PARANG TIMANG LANG!

 

Tuesday, June 21, 2011

Daddy Jed In Action

Hello po! Magandang araw po sa inyong lahat! Mamaya na po ako magsusulat ng maayos kasi busy po ako eh.....

















Ang mga larawan ay mga stolen shot ng misis kong si Palomah.. Gusto ya daw kasi kulay pink ang kulay ng crib ni baby kaya pininturahan ko ng pink pero hindi ko alam na pinipiktyuran nya pala ako he he he.... BRB!

Father's Day Gift ng Honey ko!

Hays... Grabe paguran sa work kaya ang tagal bago makapagpost ng bago. Gusto ko lang sana ishare itong gift sa akin ni misis ko na honey ko na si Jenifer Madali. Natouch lang ako sa gift nya sa akin. Repost ko lang actually nasa blog nya din ito eh. Thank you so much honey ko! I love you so much!

Wednesday, June 15, 2011

Karunungang Gabay (brought to you by JEDPOGI)


Nais ko sanang ibahagi sa inyo bago ako matulog ang ilan sa mga karunungang gabay na aking nalalaman na alam ko namang magsisilbing mga gabay natin tungo sa mabuting pamumuhay... Nawa'y magsilbing inspirasyon sa inyo ang mga ito:



Una: Hindi kayang bilhin ng salapi ang kaligayahan, pero mas komportable pa ring umiyak sa naisnatch na iphone 3G kesa sa nalaglag na panyo lamang.



Ikalawa: Patawarin mo ang sinumang nagkasala o gumawa ng masama sa iyo pero huwag mong kaliligtaang tandaan ang kanilang mga pangalan.



Ikatlo: Tulungan ninyo ang inyong kapwa lalo na't kapag siya ay nasa panganib kasi tiyak maaalala niya kayo... pag nasa panganib siya ulit he he he...



Ikaapat: Maraming mga tao ang nabubuhay sa panahong ito sa kadahilanang ipinagbabawal ang basta na lamang sila pagbabarilin o pagpapatayin. (oo nga naman!)



Ikalima: Ang alak ay hindi nakakaresolba ng anumang problema, pero sa isang banda.. ganun din naman ang gatas...




Ikaanim: Ang isang nananalong kabayo ay hindi batid kung bakit siya tumatakbo sa isang karera, tumatakbo siya dahil sa sakit ng palo na kanyang nararamdaman. Ang buhay ay isang karera, at kapag ikaw ay nakakaramdam ng sakit........... isa lang ang ibig sabihin nun. Kabayo ka!

Wednesday, June 8, 2011

KM2: HALIMAW

Sa isang kisapmata... Sa dumadagundong na tunog ng trumpeta.. Lahat ay naghiyawan at tumangis sa pagdating ng isang nakagigimbal na panibugho ng isang halimaw na may isang pansariling adhika... Ang ubusin ang mga nabubuhay at isadlak sa lugami

Lahat ay tumatakbo ng paroot-parito, mistulang mga tupa na nawalan ng ina. Magulo ang senaryo na kahit mga maharlika at mga banal sa kanayunang iyon ay walang magawa. Maraming mga buhay ang nahandusay sa lansangan, maraming sugatan at maraming walang malay at mistulang kuyukot lang ang walang latay na hindi kakikitaan ng malalim na peklat..

Tuliro ang isang maliit na nilalang sa isang sulok , walang masuungan, walang malapitan at walang maisip na patutunguhan at wala rin namang maaninag kahit man lang pulot-pukyutan na maaaring taguan…

Pansumandaling katahimikan... Maririnig ang mga pagtangis at halinghing ng mga nasaktan, mga iyakang walang humpay na uma-alingawngaw sa bawat sulok ng kawalan.. Mapapansin ang nangangalumatang mga nilalang sa tindi ng hirap na nararanasan.. Muling dumagundong ang paligid, muling nabalot ng takot ang bawat isa at nagumpisa na naman ang malakas na sigawan at takbuhan na hindi alam kung saan magkukubli at makakaasang hindi masasaktan....

Muling kumilos ang halimaw at sa isang malakas na dagundong....................... PSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH......

Marami ang nalugmok sa daan, marami ang nawalan ng malay, marami ang hati-hati ang katawan na animo’y mga manananggal... May mga nagpupumilit tumayo at nagbabakasakaling maligtas ang sariling buhay.... Subalit naging sunod sunod ang pagdagundong ng nakakasulasok na tunog... PSSSHHHHHHHHHHHHHHH PSSHHHHHHHHHHHHHHH PSSHHHHHHHHHHHHHHHH... Sunod sunod na halos matakpan ng usok ang buong paligid at mapuno ng nakakalasong amoy ang paligid.

Galit na galit ang halimaw at handang patayin ang sinumang makitang buhay at gumagalaw kahit na saang yungib ay kanyang pupuntahan at ipapamalas ang kanyang kabangisan..

Nang masiguro na lahat ay wala ng buhay, isang malalim na hugot ng buntong-hininga ang binitawan... Ikinubli ang pang-isprey na may lamang nakalalasong kemikal na ang pangalan ay BAYGON at kakaibang luwalhati ang kanyang naramdaman...

Kumuha ng pandakot at walis at sabay sabay winalis na animo’y dikya at dinakot ang mga walang buhay na ipis...

Monday, June 6, 2011

Way To Go JED!

Pauwi ako galing work pero bago nakarating sa MRT........... Isang mahabang alay-lakad mula greenbelt 1 hanggang MRT ayala station.. WHEW!

Pagdating ng MRT, tagaktak ang pawis na kahit ilang beses mong punasan ng panyo or bimpo ay hindi matutuyo dahil patuloy ang labas nito sa maliliit na pores ng aking balat...

Sa pagbili ng tiket pila pa din at pati sa pagpasok sa loob ng istasyon ay pila pa din dahil tutusok-tusukin ni manong guard ang laman ng aking bag....

Pagpasok syempre maghihintay sa pagdating ng tren at habang papalapit ang tren ay sasabayan ng malakas na silbato ng guwardya na natapat pa sa tenga ko! PAKING SYET! Pwede namang sumilbato ng malayo sa tao tong kumag na to!

Pagpasok ng tren aba'y automatic... Parang may mga gulong ang paa ko kasi di ko na kailangang maglakad papasok dahil itutulak ka na papaloob hehehehe... Daig pa namin ang sardinas sa sobrang siksikan at sakto! May sarsa na kasi puro pawisan ang taong pumasok hehehehe....

Paghinto sa sunod na istasyon, dagsa pa rin ang pasahero at BINGO! Natapakan ang paa ko syet ang sakit! Masakit na nga natapakan pa! Nasambit ko sa lalake.... " Manong! Kapag malambot ho tae, kapag matigas paa ho yun! " ..... Sori ho! OK, forgiven na po....

Wala lang... Nasabi ko lang ang hinanakit ko sa layo ng work ko sa bahay ko kasi, from project 8, ang work ko sa greenbelt makati pa.. Pero don't yu worry JED! Kasi ngayong week malilipat ka na sa TAFT malapit sa PGH... Hays kahit malayo at least wala ng mahabang lakaran....

Ang moral lesson............... Ang naglalakad ng malayo, pawisan... CHEERS!
Yan tuloy tulog hehehehe....

Sunday, June 5, 2011

Birthday ni Palomah




I just would like to take this opportunity to greet my wife Jenifer a Happy Happy Birthday. Today is your special day honey and hoping you to have many more birthdays to come! I love you so much Honey ko! Muah! 

Friday, June 3, 2011

Gaano Kalawak ang iyong PUKI? (Pananaw, Ugali, Kaisipan at Imahinasyon)

Gaano ba kalawak ang iyong PUKI????

          Ops Ops Ops! Huwag masyado marumi ang pag-iisip! PUKI stands for PANANAW, UGALI, KAISIPAN AT IMAHINASYON as in malawak ba ang iyong pananaw sa buhay? Malawak ba ang iyong pag-uugali tungkol sa mga bagay bagay? Malawak ba ang iyong Kaisipan pagdating sa ibang aspeto ng buhay? At malawak ba ang iyong imahinasyon?
         
          Kung OO ang sagot mo! Aba'y certified malawak as in malapad ang PUKI mo! Ano ba yun ang samang pakinggan! He he he...

          Ang mga taong nagtataglay ng malawak na PUKI ay maituturing na mga matatagumpay na tao dahil sa positibo ang katangiang ito. Hindi lahat ng tao ay may malawak na ( hindi ko na nga uulit-ulitin! ) ngunit naniniwala ako na ang katangian ito ay madaling maisakatuparan kung isasapuso mo ito at isasagawa.

          Kaya ikaw.... Kung gusto mong magkaroon ng malawak na ( hindi ko na uulitin talaga...), taglayin ang positibong pananaw sa buhay, positibong pag-uugali, positibong kaisipan at malawak na imahinasyon upang maging isang mabuting mamamayan sa isip sa salita at sa gawa..

EAT BULAGA

Ready na ang lahat, si baby na lang ang kulang. Hays nakakasabik maghintay sa paglabas ng munting anghel namin ng maybahay kong si Jeni... Gusto ka na naming makita Jemimah Aaliyah Madali Dioquino.... Isang buwan na lang ang hihintayin at lalabas na siya mula sa lungga ng mama nya hihihi....

Paano ko nga ba nasabing ready na ang lahat?? Heto ang patunay....















Hindi pa kasama yung mga bagong bili namin ngayon hehehe... Cheers!