Tuesday, May 31, 2011

Hindi Lahat

Hindi lahat ng maasim ay Vitamin C... (bakit kili-kili maasim)
Hindi lahat ng nagsasayaw ay Dancer...
Hindi lahat ng kumakanta ay Singer...
Hindi lahat ng nanghuhuli ay Pulis...
Hindi lahat ng natatae at Nagmamadali... (yung iba cool lang naglalakad lang)
Hindi lahat ng gumigitara ay may Banda...
Hindi lahat ng may sayad ay nasa Mental...
Hindi lahat ng nakikipag-usap sa telepono ay Call Center Agent...
Hindi lahat ng umiinom ng gamot ay Drug Addict...
Hindi lahat ng nagpefacebook ay may Laptop...
Hindi lahat ng sumususo ay Bata... (bakit yung mga bading ay este ano bang nasabi ko)
Hindi lahat ng nagbebenta ay Vendor...
Hindi lahat ng nagsusugal ay may Pera...
Hindi lahat ng masaya ay NakaSmile...
Hindi lahat ng nagtatanim ay Farmer...
Hindi lahat ng lumalangoy ay Swimmer...
Hindi lahat ng nangingitlog ay Manok...
Hinid lahat ng malaki ang tiyan ay Buntis...
Hindi lahat ng nakabalot sa Dyaryo ay Tinapa... (pwede ring tuyo)
Hindi lahat ng mataba ay Malusog...
Hindi lahat ng maalat ay Patis... (pwede ring pawis)
Hindi lahat ng may uban ay matanda...
At higit sa lahat, hindi lahat ng WRITER ay BLOGGER!

Sunday, May 29, 2011

FI MATAR

Girl: Ayoko munang makipag-usap. Nalulungkot ako :(

Boy:TANG INA MO!!!

Girl: Huh? Bakit mo ko minura? :'<
......
Boy:
T-uwing ikaw
A-y
N-alulungkot
G-anito lang ang gawin mo
I-txt mo lang ako
N-andito lang naman
A-ko para sayo eh
M-ahal na mahal kasi kita eh
O-kay ba un sau?!

Girl: Aww. TANGINA mo din! I LOVE YOU :">
 
Tag-ulan na naman grabe....  Malamig na naman ang panahon.. Panahon na naayon sa magsing-irog.... Masarap kumembelar hehehehe....
Tag-ulan na naman grabe....  Panahon na naman ng iba't ibang sakit... Ano nga ba ang mga nauusong sakit kapag tag-ulan? Monday sickness, tuesday sickness, wednesday sickness, thursday sickness, friday sickness, saturday sickness at sunday sickness... Nakakatamad kasi pumasok pag malakas ang ulan kasi masarap matulog kapag umuulan at isa pang dahilan para umabsent ay ang nakakabuset na baha...
Tag-ulan na naman grabe...  Pati sa loob ng bahay namin umuulan... Grabeng bubong na ito puro butas! kinukulang ang palanggana sa kakasahod sa mga tulo....

Tag-ulan na naman... Sarap kumain ng Champorado na may kasamang Tuyo....
Tag-ulan na naman... Dami na namang binebentang payong sa bangketa...
Tag-ulan na naman... Dami ng lumalabas na mga bagong style ng Bota ngayon....
Tag-ulan na naman... Mag-ingat sa LEPTOSPIROSIS.... Buset kasing mga daga ang lawak ng kubeta nila....
Tag-ulan na naman... ano kayang jacket ang isusuot ko??
Tag-ulan na naman... SHIT ang bagal ng koneksyon ko apektado yata ng ulan....
Tag-ulan na naman... Tag-ulan na naman... Tag-ulan na naman... KUHA MO! :)

 

Friday, May 27, 2011

555 ( Hindi Sardinas To Ha!)

           This year July has 5 Fridays 5 Saturdays and 5 Sundays. This happens once every 823 years. This is called money bags based on Chinese philosophy of Feng Shui.
           Pwede nyo daw irepost sa facebook ninyo at magkakamal kayo ng limpak limpak na salapi hehehehe... Wala namang masamang magtry kaya go go go!
           Pero nakakamangha lang na may ganitong pangyayari hehehe... Wala lang may maisulat lang..

Thursday, May 26, 2011

Sa Isang Kisapmata

Bakit may mga bagay na kailangang mawala?
Bakit ba kailangang silang lumisan?
Bakit kung kailan mo sila kailangang kailangan
Hindi na puwede kasi wala ka ng aasahan...


Napakahirap mawalay sa matagal mo ng nakasanayan
Napasakit isipin dahil hindi mo man lang namalayan
Ano man ang gawin mo hindi na maaaring balikan
Wala ng ibang pwedeng gawin kundi ang magkamot sa ulo at magkamot sa tiyan


Ang salapi at kayamanan ay napakahirap makamtan
Dugo at pawis ang iyong nagiging puhunan
Kaya't kung sakaling mabigyan ka ng pagkakataon na ito'y mahawakan
Iyong ingatan at huwag hayaang ito'y gastusin sa walang kapararaan..


Isa lang naman ang nais ko ipahiwatig
Na sana sa paggastos tayo'y magtipid
Isipin natin ang ating kinabukasan
Nasa ating kamay nakasalalay ang ninanais na magandang buhay..

Wednesday, May 18, 2011

Run For Your Life

Kah kah kah.... Mabilis ang takbo ko, mabilis na mabilis....
Halos matuyo ang aking laway sa kakatakbo huwag lang ako abutan ng mga humahabol sa akin.
Pero bakit ganun? Kahit gaano kabilis ang takbo ko nakasunod pa rin sila ng nakasunod?
Hindi ko na alam ang gagawin ko at sige pa rin ako sa karipas ng takbo...


Sinubukan kong pumasok sa looban at habang tumatakbo ay kinakalampag ko ang mga nakasaradong bintana para kahit papano ay may makapigil sa kanila pansamantala..



WAPAK! Nagbunga ang naisip ko dahil pagbukas na pagbukas ng bintana ay tinamaan ang isang mamang humahabaol sa akin...
Bigla may namutawing ngiti sa mga labi ko dahil may nadale akong isa.....
Yung takot na nararamdaman ko kanina ay napunan ng kaunting kasiyahan dahil parang nakikita ko ang ang aking sarili sa isang maaksyong tagpo....

Pero sa limang taong humahabol sa akin.. Isa pa lang ang nadale pero alam ko tiyak tatayo ulit iyon para habulin ako...

Muli nakaramdam na naman ako ng takot dahil nakakaramdam na ako ng pagod at ang mga paa ko at tuhod ay gusto ng sumuko....


Dumating na ang kinatatakutan ko............ Paking Syet! Dead End.... Ano ng gagawin ko? Dead End na kasi may malalim na hukay in english.... DEEP EXCAVATION.......



Akma akong babalik sa tinakbuhan ko pero dumating na ang mga humahabol sa akin...
Galit na galit sila at nanlilisik ang mga mata... KATSAK.. Nagkasa ng baril ang isa sabay sabing...
PUTANG INA MO! Masyado mo kaming pinahirapang bata ka! Katapusan mo na ngayong GAGO ka!
Naghahalo na ang sipon ko at luha sa sobrang takot dahil alam ko katapusan ko na.....

Sumigaw ang lider ng pangkat... Kunin nyo na ang gagong yan! Habang papalapit ang isa ay nagwika pang... TARANTADO KA! Nasaktan ako kanina kaya tinitiyak kong betlog mo lang ang walang latay!!!!  Siya pala yung tinamaan ng bintana....


WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH napasigaw ako at napapalahaw sa sobrang takot at biglang napaatras............ Hindi ko namalayan na malapit na pala ang isang paa ko sa bingit ng hukay....
Papalapit na ang mga hudas at panay din ang atras ko............. Ng Biglang...........


AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!! BLAGADAG!




Anak ng putakti!!!! Nalaglag ako sa kama aray ko! PANAGINIP LANG PALA! BUSET!

Wednesday, May 11, 2011

Piso para sa Puso

Naging makabuluhan ang gabi para sa amin mag-asawa kagabi dahil nanood kami ng sine. Bihira lang ang ganoong bonding sa aming mag-asawa kasi parehas kaming busy sa work, magkaiba pa ang araw ng aming day-off. Pero kagabi nung magtext ako kay misis na pauwi na ako sabay text back syang pauwi na rin ako hon! "Manonood ba tayo ng sine?" Naging mabilis din ang sagot ko na... "Oo ba hon!" Reply back sya ng... "Baka pagod ka na sa work hon?" Sabi ko naman, "Hinid okay lang!"

So nagmamadali na akong sumakay sa MRT na kahit siksikan ay pinagpilitan ko ang sarili ko para makahabol kami ng misis ko kasi hinahabol namin yung last full show ng, "Kwak Kwak! My Dr. Pak!"

Hindi naman nakakapanghinayang dahil maganda naman ang pelikula na pinagbibidahan ni Vic Sotto at Bea Alonzo at lalong hindi nakapanghihinayang manood dahil piso lang ang binayaran namin sa isang tiket so bale dalawa kami kaya dalawampiso lang hehehe... Bilang patunay ay iniscan ko ang tiket at heto sya...

Friday, May 6, 2011

IKAW ( tula para sa aking ina ngayong Araw ng mga Nanay )



Ikaw na naglihi at nagdala
Ikaw na naghirap sa pagluluwal
Ikaw na nag-aruga at lubos na nangalaga
Ikaw na nagpamalas ng tunay na pagmamahal

Ikaw ang nagturo sa akin kung paano maging tao
Ikaw na nagturo kung paano magpakatao
Ikaw na nagturo sa akin ng lahat ng bagay
Ikaw na nagpamalas sa akin kung gaano kaganda ang buhay

Ikaw hanggang ngayon na kahit ako'y nasa hustong gulang na
Ikaw na hindi pa rin tumitigil sa pagbibigay ng ligaya't saya
Ikaw pa rin ang laging hindi nakakalimot magpaalala
Ikaw na laging nakaagapay ngayong ako'y magkakapamilya na

Ikaw ang bida ngayon sa aking tula
Ikaw ang nilalaman ng aking ilalathala
Ikaw ang nagbigay sa akin ng inspirasyon upang ito'y magawa
Ikaw na aking ina wala na ngang iba...

Ikaw na! Ikaw na! Ikaw na ang maganda he he he... Cheers!

Para sa iyo ang tula at awiting ito MAMA EMY! I Love You so much MA! Happy Mother's Day!

Wednesday, May 4, 2011

ITNOK ( itik at manok )

Good afternoon madlang pipol! Day off ko ngayong araw na ito at syempre hindi naman espesyal ang araw na ito kasi si misis may pasok sa work... Ako naman, mas pipiliin ko pang magpahinga kasi kinabukasan may pasok na naman hayyyyssssssssssssssssssssssssssssss!!!!!

Well masasabi kong hindi productive ang araw na ito para sa akin pero hindi ko din naman masasabing katamaran etong ginagawa ko kasi nga karapatan ko namang magpahinga sa araw na ito. Wala akong ibang pinagkaabalahan kundi ang magfacebook, ,maggitara at magblog.

So nagsawa ako dun sa ginagawa ko kaya ipinasya kong magmeryenda kasi may narinig akong Teng Teng Teng Teng!!!!!  Dali-dali kong tinawag si manong sabay sabing, " Manong! Pabili po ako!" Huminto sa tapat ng gate si manong at akmang binuksan ang kanyang paninda samantalang ako naman ay dali-daling pumunta sa loob ng bahay.

Bakit kanyo ako pumunta sa loob ng bahay?? Aba'y para kumuha ng plato kasi paborito ko ang binatog! Nung inaabot ko na kay manong ang plato bigla kong nakitang nagbabalat sya ng mais kaya nasabi ko tuloy... Manong mais ba ang tiinda ninyo?? Sagot ni manong, oo mais! Sabi ko naman... Eh bakit batengteng ang gamit ninyo napagkamalan ko tuloy na binatog ang tinda ninyo sabay kamot sa ulo ko... Wala na akong nagawa kundi bayaran ang  tatlo sabay may halong sama ng loob na nginasab ko ang mais...
 
Habang kumakain ako ng mais ay natanawan ko ang alagang itik at manok ng kapitbahay ko... ( Heto ang mga larawan...)










Kasi para silang magkapatid eh.. Pagkaubos ko ng kinakain kong mais ay agad kong kinuha ang kamera at piniktyuran ko silang dalawa. Aba'y hindi pa ako nakuntento dun at binidyo ko pa sila kamo he he he... Ayan lang naman ang isa sa makabuluhang nagawa ko ngayong maghapon at para may mapanood kayo.. Syempre ipapakita ko ang video...

video

Tuesday, May 3, 2011

Matigas na Ulo

Bakit kaya may mga taong ipinanganak na sadyang matigas ang ulo?? Bakit kahit na alam nilang bawal ginagawa pa din nila? Ang katwiran nga nung iba... Kung alin daw ang bawal yun daw ang masarap. Minsan ang katigasan ng ulo ay likas na sa ating mga Pilipino. Ilan sa mga litrato na aking ipapakita ay mga halimbawa ng katigasan ng ulo na kahit may mga karatula ng nakapaskil ay tuloy pa din sa pagsuway....

Keep off the grass na pero anu yan?? 

Isa pa to... May nakasulat na ay sows!

Eto naman gusto mamatay nito...

Ayan pinakamalupit sa lahat... Nung nakaraan lang yan!

Kung mapapansin ninyo... isang matibay na ebidensya ng katigasan ng ulo ang mga larawang yan....

Sunday, May 1, 2011

Kahindik-hindik na Scooter Tricks

Impressive scooter tricks [VIDEO]

Napakahusay! Kahindik-hindik at kagilagilalas! Akalain mo... Hindi lang pala sa bisikleta, skateboard, roller blades atbp pwede magpakita ng kakaibang tricks dahil pati scooter na maliit na laruan ng mga bata ay may nagpakita ng isang napakaimpresibong tricks! Aba'y napakahusay ng nilalang na ito at bilang patunay ay panoorin ninyo ang video... Enjoy and watch!