Tuesday, March 29, 2011

TALAGA NAMAN

Anak  ng teteng! Huu! Tagal ko hindi nakapagpost ng bagong blog ah! Kasi naman busy ako sa pagpapamedical, neuro exam at pagkukumpleto ng requirements!

Pero in fairness! Malapit na ako magtrabaho ulit at tapos na ang maliligayang araw ko ng kakatambay hehehe.. Imagine, buhat nung dumating ako sa Pilipinas buhat sa kuwait nung last April 28, 2010 eh inabot ng isang taon bago ako magkawork ulit?? Anak ng tipaklong talaga hahahaha!!!

Pero sa kabila ng mahabang panahon na pagkakapahinga ay sa wakas may maganda pa ding resulta. Unang-una gusto ko pasalamatan ang lahat ng taong nakapaligid at handang sumuporta sa akin sa kabila ng lahat. Ang misis kong si Jenifer na full support talaga sa akin lalo na sa Financial needs ko lalong-lalo na sa paghahanap ng work at higit sa lahat sa mga magulang ko at syempre sa byenan ko na din. Kung hindi dahil sa kanila baka sumali na ako sa TALENTADONG PINOY , PGT, WILLING WILLIE at saTHE PRICE IS RIGHT para magkapera lang bwahahahahaha!!!!!

Pero alam nyo ba? Dito ko naranasan sa mismong bansa natin ang matahin ng ibang HR Personnel, kasi sa ibang kumpanya basta hindi ka nakatapos ng kolehiyo ay wala kang karapatang magaplay ng mga managerial position. Kahit na napakaganda ng position ko sa ibang bansa bilang supervisor ng isang fine dining restaurant eh naku hindi umubra dito sa ating bansa!!!!! Naku naman! Yun lang bang mga gumradweyt ang may K?????

Hay naku!!! Kelan kaya magbabago ang kalakaran sa bansa natin? Nakailang palit na ng pinuno pero wala pa din talagang pagbabago.  TALAGA NGA NAMAN O!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Samahan na ko na nga ng napakagandang soundtrack na ito na may magandang video na din hehehehe... Talaga Naman by The Dawn.. Cheers!

Saturday, March 26, 2011

In Repair

Hayssssss.... Nag-uumpisa na ang panibagong yugto sa aking buhay habang hinihintay namin ni misis ang paglabas ng aming chikiting.... Ngayong araw na ito ay inumpisahan na naming iparepair ang aming kwarto bilang paghahanda sa paglabas ng bagong bida ng bahay at talaga namang napabuntung- hininga kami ni misis dahil medyo malaki-laking pera ang magagastos, pero no regrets kahit gumastos ng malaki dahil para naman sa ikabubuti ni baby ang pagpapa-repair namin.

Totoong mahirap bumuo ng isang pamilya pero kalakip ng hirap na iyon ay ang kasiyahang dulot sa aming mag-asawa dahil sa ngayon ay masasabi kong...... Buo na ang aking pagkatao.

Marami pa kaming pagsubok na haharaping mag-asawa pero malakas ang pananalig ko na malalampasan namin ito sa tulong at awa ng Dios.....

Thursday, March 24, 2011

The Way You Are

            Sa wakas medyo nalampasan ko din ang antok na inabot ko kanina he he he... Katatapos lang din naming maghuntahan ni misis ngayon , maghapunan at kung ano pang pwedeng gawin. Sa ngayon malalim na ang tulog ni misis kasi buntis at kailangan pa nyang gumising ng maaga bukas para magwork. Ako naman heto gising pa at nagcheck ng aking blog.... Iniisip ko nga kung maasikaso ko pa ang blog kapag nagumpisa na ako ulit magtrabaho.

            Bilang tugon sa kasweetan ko kaninang umaga kay misis, aba'y syempre huhustuhin ko na kasi kaninang paggising ko ay inaral ko kaagad ang kanta ni Bruno Mars na The Way You Are at agad kong inupload sa youtube. Ayoko namang sumikat pero para sa akin heto lang ang alam kong paglalambing sa misis ko hehehehe..

            Nagustuhan naman niya ang video at ang message ng kanta kaya hayun tulog na tulog na hihihihi.. Libre panoorin ang video... pwede rin magcomment kahit violent reactions pa hahahaha! Enjoy watching and listening! Cheers guys!








Wednesday, March 23, 2011

Sleepy Head

Hayyyssssssssssssssssssssssssssss..... Inaantok pa ako kasi maaga ako gumising para iprepare ang baon ng misis ko. Maya ko na dugtungan ulit kasi inaantok pa talaga ako! hhhaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!! hays panay na hikab ko tulog muna ulit......  Ganito kaya itsura ko pag antok na antok??? O ganito?????... Panoorin nyo ang video na to!



Tuesday, March 22, 2011

ANG ZIPPER

               Sir excuse me lang po... Pwede ho bang magtanong kung anong oras na? Nagulantang ako sa napakagandang babaeng nagtatanong ng oras dahil ng mga sandaling iyon ay busy ako sa pagtatanggal ng tinga ko sa ngipin gamit ang toothpick na nakatusok sa fried chicken na may nakasaad na Spicy Chicken...

 Malugod ko namang sinagot ang babae ng mag-a-alas dose na po Ma'am! Ewan ko ba, hindi ko naman siya Titser at lalong hindi ko naman siya BOSS pero nakagawian ko ng sabihin sa lahat ng tao mapa-lalake man o babae bilang tanda ng paggalang ang "Sir at Ma'am".


Napakaamo ng mukha ng babae at parang isang anghel na nanaog buhat sa langit upang magtanong lang ng oras sa akin. Maputi ang babae, balingkinitan ang pangangatawan at may mahabang buhok na lampas balikat at bumagay sa kanya ang puting uniporme ng isang nag-aaral maging nurse sa isang pribadong unibersidad dito sa kamaynilaan...

Bahagyang ngumiti ang babae at lumabas ang mapuputing ngipin sabay sabing.... Salamat POGI!!!!! HUWAW!!!!! Pogi daw ako???????? Nyahahahaha!!! Halos muntik ng bumaon sa gilagid ko ang toothpick na pinangtatanggal ko ng tinga sa ngipin ko..

Pagkatapos ng sinabi nyang iyon ay unti-unti na siyang naglakad papalayo na hindi ko naman pinakialaman kung saan siya pupunta. Nang hindi na siya matanaw ng aking paningin ay ipinasya kong maglakad na rin pauwi ngunit ng akmang lalakad na ako ay bigla akong tinawag ng Guwardiya ng nasabing establisyimento.... Sir! Sir! Sir! Pwede naman nyang sabihin na Sir to the third power.... Lumapit ako sabay sabing... Bakit ho manong??? Sir kasi ho bukas ang zipper ninyo!

BASAG!!!!!!!!!!!!!!!!! HALOS MAGUNAW ANG AKING MUNDO................. Bukas pala ang zipper ko eh ang tagal ko ng nakatayo, busy sa pag-titinga at napagtanungan pa ako ng oras ng magandang binibini eh bukas pala ang zipper ko nyahhhhh! Buhay nga naman o...... Ay sows!!!!!

Iiling-iling akong naglakad papalayo habang isinasara ang nakabukas ko palang zipper hehehehe..... CHEERS!

Thursday, March 17, 2011

CRY BABY

            Huhuhu... Waahhhhhhhhhhh! Ang sakit sakit grabe iniwan na nya ako waahhhhhhhhhhh! Mahal na mahal ko siya bakit nya sa akin ginawa ito waahhhhhhhhhh!!!!
            O di' kaya nama'y wahhhhhhhhhhhhh hindi niya ako gusto dahil hindi niya daw ako type waahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!

            Kung mayroong tinatawag na "tamis ng unang halik", mayroon din namang tinatawag na "pait ng unang pag-ibig". Lahat halos ng tao in this whole wide world ( abbreviation nya WWW pero hindi siya world wide web) ay nakakaranas ng mapait na karanasan na sa ating unang pag-ibig.

            "O pag-ibig na makapangyarihan!  Hahamakin ang lahat masunod ka lamang!" O ayan kakasunod mo ngayon nguyngoy ka ng nguyngoy jan! Dapat tawag sayo "Nguyngoy Palaboy"!

            Pero lubos akong namangha na maski pala mga bata ay nabiktima ng pait ng unang pag-ibig?? Opo! Excuse me po! Nais kong ibahagi sa inyo ang video na ito kung saan ang mga batang musmos ay nagdadalamhati dahil sa naunsyaming unang pag-ibig...



             Tsk tsk tsk...   Sa kanilang murang isipan, natuto na silang masaktan sa unang pagkakataon hihihihi... Ang Kyut!

Wednesday, March 16, 2011

2 Become 1






  
               
                  Totoo nga ba ang katagang 2 heads are better than 1?  Sa pisikal na kaanyuan gaya ng mga nasa larawan, hindi ito maganda kasi... it looks weird and different ika nga, pero kung pagbabasehan natin sa ibang aspeto, nakabubuti ito...

                  Sa mga group activity, mas nararapat na pagsama-samahin ang ideya ng bawat isa upang maging maganda ang resulta ng gagawing aktibidad.

                  Sa isang kumpanya hindi ba hindi naman ito uunlad kung hindi pagtutulungan ng maraming empleyado?

                  Sa basketbol, magchachampion ba ang isang team kung ang isang manlalaro ay may piring ang mata at walang nakikitang kakampi?

                  Sa kalokohan, minsan mas nagiging matagumpay pag marami ang magpaplano hehehehe...

                  Sa paggawa ng bahay, hindi naman kakayanin ng isang karpintero lang para maitayo ang isang bahay.

                  Sa paggawa ng bata, hindi mabubuo ang isang buhay kung hindi rin mabubuo ang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang magsing-irog.

                  Isa lang ang gusto ko ipaunawa, anuman ang iyong gagawin, anuman ang nais mong matupad, anuman ang iyong hangarin sa buhay... hindi mo maisasakatuparan yan ng ikaw ay nag-iisa. Hindi masamang humingi ng tulong, sa pakikipagtulungan sa isa't-isa nagmumula ang magandang resulta.

                  Last na to! Hindi  magiging masaya ang iyong kaarawan kung magcecelebrate kang mag-isa!!!!  Kaya sa mga may kaarawan sa buwang ito, HAPPY BIRTHDAY PO SA INYO!! PARTY PARTY!! CHEERS!

Tuesday, March 15, 2011

One and Only YOu ( Version ni Jedpogi)

               Ngayon ko napatunayan na masarap pa lang kumanta habang nagsusulat kaya eto .............. naadik na at natuwa sa pagupload. Hope you enjoy listening ulit Guys!!!! Cheers!!!

                          
                Heto muna ang mga blog ko hanggang hindi pa ako nakakaisip ng maisusulat hehehehe....

Monday, March 14, 2011

Stay by Lisa Loeb ( Version ni JEDPOGI )

                  Hay naku walang magawa kaya heto nagupload na lang ng sarili kong video hahahaha!!! HOPE YOU LIKE IT GUYS!!!!! CHEERS!!!!



Yan ang napapala ng sumisinghot ng katol hahahahahaha!!!!!

Sunday, March 13, 2011

Si Willie at si Jan-Jan

             Noong nakaraang sabado ay aliw na aliw ako sa panonood ng Willing willie dahil sa batang si Jan-jan, bakit kanyo??? Hay naku eto panoorin n'yo na lang sana mag-enjoy kayo!





Thursday, March 10, 2011

Magugulatin Ka Ba???

                       Hate na hate ko talaga yung manood ng nakakatakot ng nagiisa....... Ah basta! ayokong nanonood ng nakakatakot at nakakagulat kasi pakiramdam ko yung puso ko napunta sa paa tapos yung bayag ko napunta sa noo ko waahhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!

                       Hindi naman sa sinasabi kong duwag ako ha pero ayoko lang yung feeling ng nagugulat. Pero alam ninyo ba guys?? Ayoko ng nagugulat pero ako madalas manggulat hihihihi... Madalas ko lang naman gulatin ay si misis at si mama ko ha ha ha ha ha!!! ( salbahe ko noh!), pero ganun yata talaga yun, kapag gawain mo daw ang manggulat, ayaw na ayaw mo naman na gagawin sa iyo ito parang yung malakas mang-asar kapag sila ang inasar eh asar talo he he he..

                       Kaya heto nangalap ako ng mga pictures ng mga itsura ng nagugulat... Inisip ko tuloy kung ganito din ba ang itsura ko pag nagugulat ako he he he...






                    Isama mo pa dyan mga nakakagulat na video.....


                        
                           Nakupo!!!!!!!!!!!!! Talaga namang mahihimatay ka o busettttttttttt!!!!!!!!!!!!!!!!

Monday, March 7, 2011

I SAW THE SIGN, AND IT OPENED UP MY EYES

          Magandang araw mga bata!!!!!! Iyan ang magandang bati ni Kiko Matsing sa Batibot tuwing napapanood ko siya sa umaga noon... pero hindi po sa Batibot iikot ang isusulat ko sa inyo ngayon hehehehehe...

          Sa katunayan nga nitong mga huling araw, parang napakahirap magsulat at ayaw gumana ng aking imahinasyon kaya natagalan bago ako nakapagpost ulit..

           Pero sa totoo lang! hihihihi..... Wala din namang katuturan ang isusulat ko BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!! 

          Magpopost lang ako ng mga nakakatawang signs na kalimitang makikita natin sa kalsada hahahaha!!! Sensya na hihihihi... 

Eto na! Eto na! Eto na!!!!!! WAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Bawal daw ang umupo!!! In English... TSARAANNNN!!!!







Mas maigi nga naman kesa sa LATE!
                                           

                                       
                                             







O gets nyo??? Maawa naman daw
kayo sa mga ipis!


           O maliwanag ha!

                                                                          




O dala-dalawa na yan! Mamili na lang kayo kung alin dyan ang tama! 













Dali dalian ninyo daw ang pagbubuhos heheheheh!!!!












Yan bawal daw yan sa loob alam nyo' ba kung ano yan?





Anu DAW?????????











Isa lang ang ibig sabihin nyan! Mag-isa lang sya nagtatrabaho...









Carry mo pa bang PUMASOK????





Yan ang maliwanag pa sa CLEAR!!! Tammmaaa!!!










Huwag na kayong maguluhan!!! ibig sabhin nyan magdamagan! LOLS!




Eh bakit siya pasimuno sa PAGSULAT???? GULO MO!












O sige sige!!!! Gusto mo MAMURA????



O ano pang hinihintay ninyo mga GIRLS!!!! GO GO GO!!!








 
O mga JEJEMON!! GETS NYO???????
































































Wednesday, March 2, 2011

Gulp Gulp Gulp Ahhhhhhhhhhh! Alak pa!!

              Naging kasama na ng maraming katoto natin ang mga inuming nakakalasing na kalimitang tinatawag nilang serbesa, alak, toma, muni, beer, ginbulag, alcohol atbp. Sa katunayan, namamayagpag ang mga manufacturer nito at syempre nangunguna na ang San Miguel Brewery sa listahan ng lubos na nakikinabang.

              Ang alak ay madalas na present sa lahat ng kasiyahan gaya ng pista, bertdey, kasalan, binyagan, thanksgiving party, bagong tuli nagpainom, manunuli nagpainom sa dami ng tinuli at marami pang iba. Naku asahan mo din na pagkatapos ng inuman, maraming basag na bote, basag na mukha, basag na bintana, nagkalat na hugasan, nagkalat na tsinelas dahil sa takbuhan at higit sa lahat nagkalat na balita pagsapit ng umaga.

               Minsan hindi nagiging maganda ang kinahihinatnan pagkatapos ng inuman subalit hindi na natin maiiwasan ang mga ganitong uri ng pangyayari. Hindi mo rin naman maiaalis sa mga tao at lalong lalo na hindi mo sila kayang pigilan kung gusto nilang uminom at magpakalango sa alak. Ewan ko ba pero talagang nakasanayan na nila eh... ano pang magagawa natin.

                Pero alam ninyo ba mga katoto kung anong gustong gusto kong dahilan kung bakit umiinom ng alak ang isang tao????? Ang dahilan sa pagibig he he he... Nakakatuwa silang pagmasdan kasi nagpapakalasing sila dahil iniwanan sila ng kanilang minamahal. Opo, alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng isang minamahal pero parang kababawan naman kung magpapakalasing ka d ba?? Marami namang pwedeng paraan para makalimutan mo sila pero hindi ang magpakalango ka sa alak!!!! TAMA? TAAAMMMAAA!!!!

                Basta isa lang ang maipapayo ko sa mga manginginom.... Ang ALAK sa tiyan nilalaman.. Sa mga tanggero naman! Hindi baleng magtagal sa suso, Huwag lang sa BASO HAHAHAHA!!!!!



Gusto ko tong kantang ito ng ITCHYWORMS kaya ito ang nararapat na kanta para dito... CHEERS!