Thursday, February 24, 2011

Gaano Kalaki ang iyong TITI??? ( Tiwalang Inuukol sa Taong Iniibig)

               May malaking TITI ka ba???? ops ops ops!!! hindi po bastos yan ha! pero ako alam ko may malaking TITI ako as in Tiwalang Inuukol sa Taong Iniibig.. Minsan kasi sa isang relasyon, ang nagiging dahilan ng hiwalayan ng dalawang nag-iibigan  ay ang kawalan ng tiwala sa isa't isa. Kalimitan din naman kaya nawawalan ng tiwala ang isang minamahal natin ay dahil din sa isang maling bagay na ating ginawa na sadya namang nagiging dahilan upang mawalan sila ng tiwala.

                Alam ko na lahat tayo ay nakakagawa ng kasalanan pero nakagawa man tayo  ng kasalanan ay lubos pa rin natin itong pinagsisihan.....  pero,  alam n'yo ba na kahit nakahingi na tayo ng tawad at tumanggap na rin tayo ng kapatawaran ay ........... minsan iyon ang nagiging lamat sa pagsasama????  Hindi man natin aminin sa ating mga sarili, nagpatawad man tayo ay maiisip at maiisip pa rin natin ang kasalanang iyon at iyon ang magiging daan upang mawalan tayo ng TIWALA sa ating minamahal.

                 Malaking bagay ang TIWALA.... lahat na yata ng aspeto hindi lang sa pagibig kundi sa lahat na yata ng aspeto ng buhay. Tiwala sa trabaho , kapag nawalan ng tiwala sa iyo ang amo mo sa palagay mo ba may trabaho ka pa???? Tiyak sibak ka na sa trabaho! Ang kaibahan nga lang ng pagtitiwala pagdating sa pagibig ay kahit na nakagawa na tayo ng pagkakamali ay pwede pa tayong bumangon muli at iparamdam sa ating mga minamahal na talagang nagsisisi tayo at nakahandang magbago hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa ikagaganda ng inyong pagsasama... AMEN!



                  Nararapat lang na may angkop na music  para rito at isang awiting mula sa PAROKYA NI EDGAR na pinamagatang CHOCO LATTE!!!! Roll VTR!

                           

Si BLAKE AUSTIN GRIFFIN.....

     Ops ops ops!!!! huwag kayong matataranta dahil si Blake Griffin lang naman ang starring sa aking blog ngayon.. Hindi ko sya iniidolo pero lubos lang akong humahanga sa kanyang galing , lakas at kakayahan pagdating sa larangan ng BASKETBOL lalong lalo na sa pagalingan sa pagDUNK!!!! OPO mga katoto!!!! Sa katunayan po ay siya ang hinirang na 2011 Sprite Slam Dunk Contest ng NBA. At bilang ganti ay ibabahagi ko sa inyo ang kanyang natatanging galing at heto at panoorin ninyo!!!! HEK HEK HEK HEK!!!!

  
              At para maipakita ko na rin sa inyo kung gaano sya kagaling sa larangan ng pagdunk ay ito ang video ng kanyang 137 DUNKS!!!!!! ENJOY!!!


              Sa uulitin mga KATOTO!!!!!!

Friday, February 18, 2011

MGA KASABIHAN HAN HAN HAN HAN......

                 Nakamulatan at nakalakihan na nating mga Pilipino na minana pa natin sa ating mga

ninuno,  ang mga "kasabihan" na sadya namang nag-uugnay o may kaugnayan sa ating mga buhay

na kalimitang nakakatulong sa ating kaisipan at kamalayan. Dahil dito ay naisipan kong ibigay ang

ilan sa mga kasabihan na naging gabay na ng ating mga kabataan ( AHEM...) at maging mga

katandaan ( Ubo.. Ubo. Ubo..  guwaaarrrrkkkkkk pweh!)



1. "Kapag Binato ka ng SAPATOS, batuhin mo ng MEDYAS!"


              






2. "Ang naglalakad ng matulin, malamang nag-ELBM". 













3. "Di' bale ng TAMAD! , at least hindi naman PAGOD..."















4. "Magtanim ay di' biro.... lalo na kung BOMBA ang itinatanim"










5. "Kapag may isinuksok.... ikaw ay madudukutan!"













6. "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan... may utang sa kapitbahay!"














7. "Kapag maigsi ang kumot......  banig ang ipangkumot!" 













8. "Ang di' raw magmahal sa sariling wika... AY JEJEMON!" 














9. "Saging lang ang may PUSO!" 



















10. "Aanhin pa ang damo... kung BAKLA ang kabayo!" 


















11. "Sa hinaba haba man daw ng PRUSISYON..... sa VICTORIA COURT din daw ang tuloy." 










                   Sana ay nakapulutan natin ng aral ang ang mga kasabihang ito at nawa'y maging gabay 

natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. :)

Tuesday, February 15, 2011

SAMA NG LOOB

                Parang kailan lang ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin
                Dahil sa inyo, napunta ako sa aking nais marating....


 BABALA: Pasintabi po sa mga kumakain! Pawang naglalaman ng mga maseselan na salita na hindi angkop sa mga bata at matandang MAMBABASA!





Hay salamat..... natapos din si mama ko sa banyo kasi, TAENG TAE na ako buset!
Ang hirap talaga ng pakiramdam ng... ng...... natatae ka noh??? GRABE NA TOH!
Kayo?? naranasan nyo na ba ang ganung klaseng pakiramdam?? ay naku grabe! 
Yung WETPAKS mo kasi maihahalintulad sa isang bibig... Bakit kamo???
Kasi may parang dilang sumusungaw mula sa kaibuturan ng KUYUKOT MO! Bwahahahahahaha!
Ewan ko ba kung nasobrahan yata ako sa kinain kong KUPKEYK o Nasobrahan ako sa inom ng MILO!
AH basta ang alam ko habang sinusulat ko ito ay hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang nadarama ko ng mailabas ko  ang naitatago kong sama ng loob!


Alam nyo ba kung gaano kasarap sa pakiramdam????? Ganito ieexplain ko....
Pagkaupong pagkaupo ko kasi bigla akong nakarinig ng halimaw ...oo halimaw at hindi ko alam kung saan galing...
Basta ganito ang tunog niya........... BUUUUWWAAAARRRRKKKKKKKKKKKKK!
Pagkatapos kong marinig ang tunog na iyon napagtanto ko... Galing pala sa PUWET ko yun nyahahahahahaha!!!!!
At hindi pa natapos dun kasi pagkatapos ng malakas na sigaw ng halimaw ay nagsunuran ang mga anak anak niya.......  Ganito naman ang sinabi nila....
POOT POOT POOT PURURURUT! POOT POOT POOT PURURURUT!!
At syempre muli ko na namang napagtanto na galing din pala sa PUWET ko yun nyahahahahaha!!!!!


Ewan ko ba kung bukod ba sa KUPKEYK na kinain ko eh doon sa KAMOTE at MAIS na kinain ko...
Bgla ko tuloy naalala yung sinabi ni MR. UTOT kay EBAK! NYAHHH nagsalita pa si MR.UTOT?
OPO! syempre nagsalita siya, at anong sabi nya????? Sabi nya! MGA PRE! MAUNA NA AKO SA INYO!!!!!                     POOOOOOOOOOOTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT!
Pagkatapos ng mga katagang yun bgla namang sumabad si MR. EBAK! Sabi nya! MGA PRE! WALANG TULAKAN!!!!! WAHAHAHAHAHAHAHAHA!



Ay may naalala pala ako SYET! NAGTATAYP na ako eh hindi pa ako naghuhugas ng kamay!!!!! SYETTTTTTTTTTT! Paalam na muna sa inyo mga repapips!

Thursday, February 10, 2011

JOKE JOKE JOKE!!!!

             Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging palabiro. Minsan nga,  kahit gaano kaseryoso ang usapan ay dinaraan pa rin natin ito sa kalokohan. Ang tanong, Siraulo ba tayo? May toyo ba tayo sa ulo? Pinalaki ba tayong may sayad sa ulo? Well well well.... Huwag ako tanungin ninyo kasi hindi naman ako ang magulang ninyo mga PAKING SYET! LOLS! Joke lang yun! 


             Sa kabilang banda, minsan nakakatuwang isipin na kahit marami tayong problemang kinakaharap sa buhay, hindi nawawala sa isipan natin ang tumawa at magpatawa. Ang pagtawa kasi para sa maraming tao ay nakakapagpagaan ng loob , nakakawala ng stress, nakakawala sa sarili, nakakawala sa hawla, nakakawalang ulirat at lahat ng pwedeng mawala sa inyo huwag lang ang WALLET nyo hehehehe..




             Upang maging lubos ang kasiyahan ninyo sa pagbabasa ng nilalaman ng sinusulat ko ( kung may laman nga ba? ), narito ang ilan sa mga joke na kung hindi man kayo matawa, ay tiyak nakornihan kayo at tiyak galit na galit kayo kung bakit ko sinulat to. 


BABALA: Ang matawa talagang masaya. Ang hindi matawa, hindi ko napasaya...




                                                       MANG TOMAS
Dalawang lalaki ang nag-uusap

LALAKI 1:  Pare, paano mo sasabihin sa isang taong napakataba na mataba siya ng hindi mo nasasaktan ang damdamin niya?

LALAKI 2:  Meron bang ganun Pare? Para sa akin napakahirap sabihin nun kasi talagang masasaktan siya kapag sinabi kong NAPAKATABA niya!

LALAKI 1:  Meron Pare! Ganito ang sasabihin mo sa kanya..... Miss/ Mister, mawalang galang na nga po, MANG TOMAS  po ba ang LOTION ninyo?  NYAKKKKK!


                                                             TAE

Syempre hindi magpapatalo si LALAKI 2


LALAKI 2:  Ayus yun Parekoy ha! O sige, ako naman ang magtatanong sayo...


LALAKI 1:  O sige Parekoy , go for it!


LALAKI 2:  Paano mo naman sasabihin sa isang taong mabaho hininga nya ng hindi sya mapapahiya!


LALAKI 1:  O sige, paano?


LALAKI 2:  Ganito lang... Mawalang galang na nga po Miss/ Mister, TAE ho ba ulam ninyo kanina? GWAARRKKKKKKKKK!




                                                        KONDISYON


GIRLFRIEND :  Break na tayo! kailangan kong magconcentrate sa studies ko.


BOYFRIEND :    Siguraduhin mong wala kang bagsak! Kundi........ Tayo ulit! NYEHHH!


                                                        KULANGOT


LEO :           Rachel! May itatanong lang sana ako sayo..........


RACHEL :   Ano yun Leo?


LEO :           May KULANGOT ba ako sa mukha??????


RACHEL :   Wala naman!


LEO:            Ay wala ba? naiinggit kasi ako sayo.... buti ka pa MERON!  NYAHHHHHHHH!


                                                            KAPE


Sa isang restoran.....


ARTURO :   Waiter! Bakit ang mahal na ng kape ninyo? Kahapon, P8 lang bakit ngayon P10 na??? Ano ba naman yan???


WAITER :     Sir kasi po, mahal na ang gasolina!


ARTURO:     Ganoon ba? Sige sa susunod na punta ko huwag mo ng lagyan ng GASOLINA ha! HIHIHIHI.....




                         
                Hanggang dito na lang muna, sana napatawa at napasaya ko kayo kahit papaano! PEACE!         

Tuesday, February 8, 2011

"10 10 10 Takbo para sa Ilog Pasig"


                Muli na namang napatunayan ng mga Pilipino na sa kabila ng mga kinakaharap na suliranin ng bansa ay nagawa pa nitong makapagtala ng pinakamalaking kaganapan sa larangan ng takbuhan sa buong mundo at opisyal ng sinertipikahan ng prestihiyosong Guiness World Records dahil sa umabot sa 116,086 na lumahok at nakatawid sa finish line at bumasag sa opisyal na record ng Pilipinas na pinakamaraming bilang ng lumahok sa isang takbuhan.
                 Sa ngayon ay nahigitan na ng Pilipinas ang itinalang record ng San Francisco’s “Bay to Breakers”  nong taong 1988.
                 Ang takbuhang ito na inorganisa ng ABS-CBN Foundation na may pinamagatang “10 10 10 A Run fo the Pasig River”  na nilahukan ng mga lokal na artista at mga kilalang tao  kabilang sina ABS-CBN honcho Eugenio “Gabby” Lopez III , ABS-CBN head Gina Lopez, 8th time World Boxing Champion Manny Pacquiao at tinitiliang pinakasikat na male celebrity na si Piolo Pascual.
                  Maging kami ng misis ko ay proud na mapabilang sa napakalaking kaganapan na ito at kami ay natutuwang mapabilang sa nakiisa hindi lang para sa Guiness kundi para mapanitiling malinis ang Ilog Pasig at maghatid na rin ng mensahe na ang mga Pilipino ay nagkakaisa at naiiba dahil sa pagmamalasakit sa ating Inang Kalikasan.
                   Bilang patunay ay naririto ang ilang litratong kuha sa napakaespesyal na kaganapan. O d ba! Para na rin kaming nagdate ng misis ko yun nga lang ito’y isang napakamakabuluhang date. 

Smile para sa Ilog Pasig!

May race Band kami hehehehe...

Kapit bisig!

Yehey! Finish line na!

Oops!  Isa pang kuha sa finish line!

Piktyur piktyur!

Mga huwarang modelo ng Pasig!

Teka lang! Bakit wala ako dito?

Bakit kaya nakasimangot misis ko? HAHA!

Take 2 daw..  hehehehe

Ayan sa may Banner naman!

Sweet sweetan ang mag-asawa hihihi..


Ang Pangarap mong Call Center


       Tenenenen  tenen  tentenenenen…
                                                        Tenenenen tenen   Call Center!  (to the tune of ghostbuster)



      “ Ang hindi raw magmahal sa sariling wika, sa Call Center naglipana!”

       May katotohanan subalit sa kasalukuyang panahon, ang mga BPO (Business 
process outsourcing) o ang mga call center company ang namamayagpag sa ngayon.
Nagsimulang umusbong ang BPO Industry taong 2000 at mangilan-ngilan lamang ang
mga kumpanya noon. Subalit sa ngayon, napakarami ng Call Center company ang
naglipana at ayon sa talaan, umaabot na sa 3.2 billion ang revenue nito na sadyang
mataas kumpara sa ibang industriya.
        Naalala ko pa noong taong 2006, una akong nag-aplay sa ( di’ ko na babanggitin ang 
 pangalan ng kumpanya..), 26 anyos pa lang ako noon at sa kabutihang palad! Ako
nama’y natanggap ngunit wala pang account akong mapapasukan noong mga panahong
iyon at kinakailangan ko pang maghintay ng isang buwan. Sa sobrang inip ko, mas pinili
ko pang magtrabaho sa ibang bansa at nakapasok naman ako sa bansang Kuwait
. Pagkatapos ng apat na taon kong pamamalagi sa Kuwait ay ipinasya kong bumalik sa
bansang sinilangan at tahakin muli ang landas sa call center.

         Sa aking pagbabalik, aba’y nagulat ako dahil ang dami ko ng kumpanyang
puwedeng aplayan yun nga lang, mas mataas na ang standard na hinihingi nila para
makapasok ka bilang Call Center Agent. Sa katunayan, nitong nakaraang lingo lamang ay
nagaplay ako sa  (minabuting hindi ko banggitin ang pangalan he he he..). Umabot ako
hanggang sa final interview ngunit hanggang doon lang pala ang aking kakayahan
sapagkat  kailangan pala dapat, kung paano magsalita ang mga Amerikano ay ganun ka
din pala dapat! MY GOSH! BETCHA BY GOLLY WOW  Ang kinagandahan naman kahit
hindi ako nakapasa ay binigyan nila ako ng libreng training upang mahasa ko ang aking
pananalita sa wikang banyaga.
         Sa ngayon ay nag-iisip pa akong muli kung maga-aplay pa ba ako kahit
nakapasa ako sa training dahil bago ka makapasok sa kumpanya ay daraan ka sa butas
ng karayom. Sa maga nagnanais makapasok, hindi masamang sumubok dahil malay
ninyo at isa kayo sa mapalad na matanggap. Basta galingan ninyo lang pagdating sa
pakikipagtalastasan sa salitang banyaga!  AY SOWS!