Tuesday, November 8, 2011

PAGSUBOK

          Kung minsan sa buhay ng tao, hindi maiiwasang dumating ang mga pagsubok. May mga pagsubok na mabigat at may mga pagsubok na magaan. Naging bahagi na ng ating buhay ang mga pagsubok na ito na maituturing nating isang malaking hamon kung paano natin sosolusyunan at lulusutan. May ibang tao na may negatibong paraan ng pagharap sa mga ito pero meron din namang may positibong pananaw pagdating sa mga ganitong usapin. Magbigay tayo ng isang haliimbawa ng pagsubok...


            1. Ihing-ihi ka na tapos nakakita ka ng fastfood, nagtanong sa guard kung saan ang CR... Sabi ng guard sarado po... Solusyon: bibili ka ng fries o ng salad para makaihi lang...

            2. Sumakay ka ng jeep, akmang magbabayad ka na pero yung pera mo saktong 7 pesos lang eh ang pasahe sa jeep ay 8 pesos... Solusyon: Iabot ang bayad sabay sabing "Bayad po Estudyante"

            3. Naglalakad ka ng makatapak ka ng tae ng aso... Solusyon: ikakaskas sa sahig ang sapatos hanggang sa mawala ang tae at kapag nakakita ng kanal, ilulubog ang suwelas na bahagi ng sapatos para mabanlawan.

            4. Tinanghali ka ng gising para pumasok sa work... may nalalabi ka pang ilang minuto upang hindi malate... Solusyon: hindi na maliligo, magpupunas na lang, maghihilamos at magtututbras sabay bihis at alis.

            5.  Kakain ka ng kendi pero ng pagbukas mo ay nalaglag sa sahig.... Solusyon: dadamputin, ipupunas sa damit at hihipan sabay sabing "wala pang 5 minutes"


            Ilang lamang yan sa mga pagsubok na kalimitang ating naeengkuwentro pero kahit na ano pa man yan, mabigat man o magaan.... May Diyos na laging nakatunghay, nakikinig at handang tumulong sa atin sa oras ng pagsubok...

      
         

3 comments:

  1. lol. di ko kaya di maligo bago pumasok sa opisina/eskwela. magpapalate nalang ako pag ganun. saka yung bayad sa jeep baka di na ko magmukha estudyante. kaya isasabay ko nalang sa madaming nagbabayad, para di halata. hehe.

    ReplyDelete
  2. Hi Jed I just stumble upon from other blog and want to have a connection through blog hopping. I ask permission from you that I am leaving a link/s here in your comment box for my back-link. By the way I have joined your GFollow, you can guest post or post an article/s in my blog and I will provide a back-link for you directly to your blog/site my blog is just new with PR2 feel free to visit me soon.

    ReplyDelete
  3. Ako din ay may pagsubok na dinaraanan ngayon na post ko sa blog.....maganda nga ang kanta na Pagsubok....sobrang sikat ng kanta niyan noon..

    ReplyDelete