Monday, September 12, 2011

Iphone, Itouch, Ipad ............ ICare



Tutut! Tutut!
Teteten teten teteten! Teteten teten teteten!
Kringggg! Kringgg!


Cellphone here, there and everywhere! Hindi ko natatandaan nung nag-aaral pa ako na may hawak akong cellphone or may dala akong cellphone. Ang tangi kong natatandaan eh yung tatawag ako sa telepono hawak ang tatlong bente singko..

" Sige na pare.. papalit ng barya! Sige na please naman o ale miss na miss ko na siya! " ( hango sa awitin ni Dingdong Avansado )

Pero ngayon, mapapansin mo na kahit na sinong tao may hawak na cellphone mapabata man o matanda. Sa aking pananaw, ang cellphone ngayon ay pangangailangan na at hindi na luho lamang. Pero sa bilis na takbo ng panahon, napakadami na ng cellphone na naglabasan at iba't ibang uri na ang naglabasan. Napakabilis ng pagbabago lalong lalo na sa pag-unlad ng teknolohiya.

Sa patuloy na paglago ng teknolohiya, huwag sana nating balewalain at patuloy pa rin nating ingatan ang Inang Kalikasan. Kasabay ng pag-iingat na yun ay ang pag-iingat na rin natin sa ating sarili dahil sa mga negatibong maidudulot ng sobrang paggamit ng cellphone. Hindi ko na kailangang talakayin pa ang mga ito dahil alam kong alam na ninyo ang mga ito.

Enjoy texting and calling! Cheers!

No comments:

Post a Comment