Tuesday, July 26, 2011

Luha "Nang Siya ay Lumisan"

Luha ng kagalakan ng siya ay makamtan
Lubos ang kasiyahan at tila walang katapusan
Laging masaya at may ngiti sa mga labi
Ang nararamdamang pag-ibig ay hindi maikukubli

Ninais mong ang bawat sandali ay huwag ng mapawi
Lahat ay iyong gagawin kahit butas ng karayom ay papasukin
Buong lakas ay nakasalalay at ang buhay ay handang ialay
Lahat para sa minamahal at iniibig mong tunay..

Subalit kahit lahat ay ibinigay bakit humantong sa paghihiwalay?
Bakit ang iyong mundong dating makulay ay biglang nawalan ng saysay
Wala kang naging ibang hangad kundi ang magmahal lang ng lubusan
Sadya nga bang ang lahat ng mga bagay ay limitado at may hangganan?

Ngayon sa iyong pag-iisa ay siya pa rin ang iyong iniisip
Ang mga luha'y walang tigil sa pagpatak at ang dibdib ay naninikip
Pinipilit alalahanin kung bakit ngayo'y wala na siya
Paggising sa umaga ang dalangin sana'y tuluyang makalimot ka na...



Pamagat: Luha: "Nang Siya ay Lumisan
May-akda: JEDPOGI
Ipinaskil: ika-27 ng Hulyo 2011
opisyal na lahok sa patimpalak ni Iyah.

15 comments:

  1. huwow ang bilis nito heheh

    galing!

    goodluck jed :)

    ReplyDelete
  2. ty naman jan jay rulez hehehehe...

    ReplyDelete
  3. Luha ng pag-ibig
    Masaya sa umpisa
    Babaha ang likido sa mata kapag
    lumisan na.

    Kamusta ang bagong prinsesa ng buhay Boss?

    ReplyDelete
  4. jed salamat sa iyong pagsali! kaso may nakaligtaan ka po..rule no.8..hehe..pwede mo pang irevise..

    ReplyDelete
  5. ay wala pong mali....yung sa link back lang po sa post ko na pakontest..check mo yung post ni moks at bulero para maintindihan mo..hehe

    ReplyDelete
  6. @ ser jkul -- magandanng araw ser.. Okay naman ang mahal na reyna palomah at mahal na prinsesa iyah hehehe..

    ReplyDelete
  7. gusto ko din magsulat para sa pakontes..

    ReplyDelete
  8. GOOD LUCK! sumali ka din pala.. emo ang picture.hehe

    ReplyDelete
  9. nice poem.. i love the drawing.. charcoal?

    ReplyDelete
  10. @ arvin- maganda din entry mo tol arvin..
    @mommy razz - ty mommy!
    @nate - d ko alam kung charcoal yan nate eh hahahaha!

    ReplyDelete
  11. hanep ang sinulat ni palomah tungkol sa kanyang lovelife,hehe....from friendster to facebook......ikaw pala .....

    ReplyDelete
  12. may tanong ako sa email mo na makita sa facebook mo.. fillmein@ymail.com

    ReplyDelete