Monday, June 6, 2011

Way To Go JED!

Pauwi ako galing work pero bago nakarating sa MRT........... Isang mahabang alay-lakad mula greenbelt 1 hanggang MRT ayala station.. WHEW!

Pagdating ng MRT, tagaktak ang pawis na kahit ilang beses mong punasan ng panyo or bimpo ay hindi matutuyo dahil patuloy ang labas nito sa maliliit na pores ng aking balat...

Sa pagbili ng tiket pila pa din at pati sa pagpasok sa loob ng istasyon ay pila pa din dahil tutusok-tusukin ni manong guard ang laman ng aking bag....

Pagpasok syempre maghihintay sa pagdating ng tren at habang papalapit ang tren ay sasabayan ng malakas na silbato ng guwardya na natapat pa sa tenga ko! PAKING SYET! Pwede namang sumilbato ng malayo sa tao tong kumag na to!

Pagpasok ng tren aba'y automatic... Parang may mga gulong ang paa ko kasi di ko na kailangang maglakad papasok dahil itutulak ka na papaloob hehehehe... Daig pa namin ang sardinas sa sobrang siksikan at sakto! May sarsa na kasi puro pawisan ang taong pumasok hehehehe....

Paghinto sa sunod na istasyon, dagsa pa rin ang pasahero at BINGO! Natapakan ang paa ko syet ang sakit! Masakit na nga natapakan pa! Nasambit ko sa lalake.... " Manong! Kapag malambot ho tae, kapag matigas paa ho yun! " ..... Sori ho! OK, forgiven na po....

Wala lang... Nasabi ko lang ang hinanakit ko sa layo ng work ko sa bahay ko kasi, from project 8, ang work ko sa greenbelt makati pa.. Pero don't yu worry JED! Kasi ngayong week malilipat ka na sa TAFT malapit sa PGH... Hays kahit malayo at least wala ng mahabang lakaran....

Ang moral lesson............... Ang naglalakad ng malayo, pawisan... CHEERS!
Yan tuloy tulog hehehehe....

2 comments:

  1. parang natutulog lang sya.... tsk tsk tsk!

    joke!

    ayan malilipat ka na pala kaya di ka na pagpapawisan hehe

    ReplyDelete
  2. Don't worry sir, lahat ng paghihirap may katumbas na kapalit yan! Tiis tiis lang muna..sabi nga ng kanta -"Ang kailangan mo'y tibay ng loob kung mayrong pagsubok man...iko't ng mundo,ay hindi laging pighati't kasawian, ang pangarap mo ay makakamtam..Basta't Maghintay ka lamang!"..hehehe Good Luck Sir! Salamat din! God Bless!

    ReplyDelete