Saturday, June 25, 2011

NAKAJACKPOT

Grabe sobrang saya ko.... Akalain mo! For the very first time ay nanalo ako sa lotto! Aba'y syempre ang una kong ginawa ay ang mga sumusunod:

1. Nagpunta ako sa lotto outlet na pinagtayaan ko para ipavalidate ang winning ticket ko.
2. Pagkagaling sa lotto outlet eh umuwi muna ako ng bahay para maligo at gumayak patungo sa PCSO.
3. Pagkatapos kong maligo ay tumawag ako sa Honey ko upang sabihin sa kanya ang magandang balita aba'y syempre sobra din ang tuwa kasi nga naman masosolve ang lahat ng financial problems namin.
4. Pagkatapos naming mag-usap ni Honey ko sa phone ay nagpaalala pa siya sa aking mag-ingat daw ako at huwag munang ipaalam sa iba ang "Good News!"
5. Umalis na ako ng bahay upang magtungo sa PCSO office.
6. Pumila ako ng mahaba-habang linya sa PCSO dahil marami din palang kumukubra ng panalo pero hindi lang sa lotto kundi pati sa sweepstakes, EZ2, Suwertres ATBP.
7. Nung turn ko na, vinalidate sa computer ang winning ticket ko at kasabay nun hinanapan ako ng mga legal documents gaya ng ID etc.
8. Syempre ako ang nag-iisang winner kaya sobra talaga ang tuwa na may kasamang galak dahil sa napakalaking pera na aking matatanggap.
9. Kailangang ideposito sa alin man sa aking existing bank account ang premyo upang mapangalagaan syempre ang buhay ko kasi alangan namang ibigay sa akin ng cash yun.
10. Medyo naghintay pa ako ng matagal sa opisina pero hindi ako naiinip kasi alam mo na... hehehe...

Ilan lang yan sa mga pagkakasunod-sunod na ginawa ko pero hindi ko namalayan na naidlip pala ako sa sobrang tagal.

Maya-maya may naramdaman akong sunod-sunod pero mahinang tapik sa aking balikat sabay sabing...

Ser! Ser! Ser! Dali-dali kong minulat ang mata ko sabay sagot ding... Bakit ho?

Ser, ROOSEVELT STATION na po!

Huh????????????? WATDAPAK!!!!

Nasa loob pala ako ng LRT line1 na nagbuhat sa Pedro Gil Station patungong last station na Roosevelt!

WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH! Nakatulog pala ako kasi galing ako ng work kasi GraveYard Shift pala ang duty ko HUWAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! HUWAAHHHHHHHHHHHH ulit! PANAGINIP lang pala ang lahat nyahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!

6 comments:

  1. muntik na akong maniwala dun ahh, natuwa naman ako sa balita mo...hehehe. kamusta GY shift?

    ReplyDelete
  2. waaaaahhhh panaginip lang pala!!! sayang!! tulog uli at ituloy ang byahe!

    ReplyDelete
  3. wahhhhhhhhh lang hiya, panaginip pala.. hehe! ituloy mo tulog mo baka magkatotoo dream mo.. :P

    ReplyDelete
  4. kala ko pa naman tototo mangungutang sana ako! ahahaha

    ReplyDelete
  5. @ iyah & mommy-hindi pwedeng matulog ng mahaba sa lrt hahaha!
    @ s'monne - okay naman sir walang tao hahaha!
    @ rap - kukubrahin ko ulit para mapautang kita hahaha!

    ReplyDelete
  6. wahaha! kala ko totoong mayaman na tayo hon eh... panaginip lang pala... loko ka talaga!

    ReplyDelete