Wednesday, June 8, 2011

KM2: HALIMAW

Sa isang kisapmata... Sa dumadagundong na tunog ng trumpeta.. Lahat ay naghiyawan at tumangis sa pagdating ng isang nakagigimbal na panibugho ng isang halimaw na may isang pansariling adhika... Ang ubusin ang mga nabubuhay at isadlak sa lugami

Lahat ay tumatakbo ng paroot-parito, mistulang mga tupa na nawalan ng ina. Magulo ang senaryo na kahit mga maharlika at mga banal sa kanayunang iyon ay walang magawa. Maraming mga buhay ang nahandusay sa lansangan, maraming sugatan at maraming walang malay at mistulang kuyukot lang ang walang latay na hindi kakikitaan ng malalim na peklat..

Tuliro ang isang maliit na nilalang sa isang sulok , walang masuungan, walang malapitan at walang maisip na patutunguhan at wala rin namang maaninag kahit man lang pulot-pukyutan na maaaring taguan…

Pansumandaling katahimikan... Maririnig ang mga pagtangis at halinghing ng mga nasaktan, mga iyakang walang humpay na uma-alingawngaw sa bawat sulok ng kawalan.. Mapapansin ang nangangalumatang mga nilalang sa tindi ng hirap na nararanasan.. Muling dumagundong ang paligid, muling nabalot ng takot ang bawat isa at nagumpisa na naman ang malakas na sigawan at takbuhan na hindi alam kung saan magkukubli at makakaasang hindi masasaktan....

Muling kumilos ang halimaw at sa isang malakas na dagundong....................... PSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH......

Marami ang nalugmok sa daan, marami ang nawalan ng malay, marami ang hati-hati ang katawan na animo’y mga manananggal... May mga nagpupumilit tumayo at nagbabakasakaling maligtas ang sariling buhay.... Subalit naging sunod sunod ang pagdagundong ng nakakasulasok na tunog... PSSSHHHHHHHHHHHHHHH PSSHHHHHHHHHHHHHHH PSSHHHHHHHHHHHHHHHH... Sunod sunod na halos matakpan ng usok ang buong paligid at mapuno ng nakakalasong amoy ang paligid.

Galit na galit ang halimaw at handang patayin ang sinumang makitang buhay at gumagalaw kahit na saang yungib ay kanyang pupuntahan at ipapamalas ang kanyang kabangisan..

Nang masiguro na lahat ay wala ng buhay, isang malalim na hugot ng buntong-hininga ang binitawan... Ikinubli ang pang-isprey na may lamang nakalalasong kemikal na ang pangalan ay BAYGON at kakaibang luwalhati ang kanyang naramdaman...

Kumuha ng pandakot at walis at sabay sabay winalis na animo’y dikya at dinakot ang mga walang buhay na ipis...

23 comments:

  1. kakaiba nag twist. LOL. pre ayus ah. salamat at sumubok ka, nasabi ba sayo ni maam palomah? parang di ko mabasa yung words na kailangan ihabi sa akda? o namamalik mata lang ako?

    ReplyDelete
  2. naki sali din si jedpogi.. pero tama si bulakbolero nasaan ang mga salitang ihahabi sa akda?? edit mo ito.. hehe!

    @bulakbolero: hnd k namamalikmata, talagang wala, ilang beses kong binsaa wla talaga.

    ReplyDelete
  3. revise mo nalang pre. eto yung rules sa baba.

    http://jkulisap.com/2011/06/km2-daloy-diwa/#comments

    ReplyDelete
  4. may rules pala hahahaha! d ko din alam na pakontes pala ito hahahaha! sige sige edit ko sinend na ni misis palomah yung rules hahahaha!

    ReplyDelete
  5. ayan naedit ko na sana masali hahahaha!

    ReplyDelete
  6. nagcomment ka ba dun sa link na bigay ko? icomment mo pre para maging opisyal na kalahok.

    ReplyDelete
  7. ok na tol bulak... thank you very many hehehe...

    ReplyDelete
  8. ayan magaling edited na!!! good luck din sayo jedpogi..:))

    ReplyDelete
  9. malikhain, hindi man ganun kaseryoso ang pakay, lutang naman ang aral:

    mag-ingat sa ipis!

    ReplyDelete
  10. ipis everywhere!!!! yaaaaay! astig!!!

    ReplyDelete
  11. Ang galing...bilib talga ako sa mga taong nakakapag sulat ng buong tagalog:)

    Your new follower hope you follow back:)

    ReplyDelete
  12. isa pang malupet na twist! galing boss!
    :D

    ReplyDelete
  13. ahahahhahaha sa kalagitnaan naiimagine ko ang palabas na ultraman... hehehhehehehe adik! pwede yang ipis kalabanin ni ultraman! isapelikula na yan! hehehehhehe

    ReplyDelete
  14. letseng ipis yan! kala ko totoong halimaw!

    ReplyDelete
  15. Maraming salamat po sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2.

    Ito po ay Kalahok Bilang 29

    29 KM2: HALIMAW
    JedPogi Quezon City

    ReplyDelete
  16. nice to be here... first time to be here... hi po.. Al diwallay po nagpapakilala... nakita ko po kayo sa KM2 ni jkulisap...

    ReplyDelete
  17. ipis everywhere hehehe.. salamat sa pamamasyal nio sa bahay ko hehehe...

    ReplyDelete
  18. Good Luck Sir! Hangad ko na ikaw ay magwagi..hehehe ang lalim nun ah..

    ReplyDelete
  19. napangite ako sa ending, ang akala ko tsunami ang halimaw. ahahaha!

    magandaang umaga :)

    ReplyDelete
  20. Astig...one of the best....napadaan para magbigay grado...hehe..pang txtbook to.

    ReplyDelete
  21. napakadumi siguro ng paligid nila kaya sila inipis hihihi...

    ReplyDelete
  22. Haha. Pasaway. Akalain mo yun... nasa isip ko isang sakuna, bagyo o kahalintulad nito.

    ReplyDelete