Wednesday, June 15, 2011

Karunungang Gabay (brought to you by JEDPOGI)


Nais ko sanang ibahagi sa inyo bago ako matulog ang ilan sa mga karunungang gabay na aking nalalaman na alam ko namang magsisilbing mga gabay natin tungo sa mabuting pamumuhay... Nawa'y magsilbing inspirasyon sa inyo ang mga ito:



Una: Hindi kayang bilhin ng salapi ang kaligayahan, pero mas komportable pa ring umiyak sa naisnatch na iphone 3G kesa sa nalaglag na panyo lamang.



Ikalawa: Patawarin mo ang sinumang nagkasala o gumawa ng masama sa iyo pero huwag mong kaliligtaang tandaan ang kanilang mga pangalan.



Ikatlo: Tulungan ninyo ang inyong kapwa lalo na't kapag siya ay nasa panganib kasi tiyak maaalala niya kayo... pag nasa panganib siya ulit he he he...



Ikaapat: Maraming mga tao ang nabubuhay sa panahong ito sa kadahilanang ipinagbabawal ang basta na lamang sila pagbabarilin o pagpapatayin. (oo nga naman!)



Ikalima: Ang alak ay hindi nakakaresolba ng anumang problema, pero sa isang banda.. ganun din naman ang gatas...




Ikaanim: Ang isang nananalong kabayo ay hindi batid kung bakit siya tumatakbo sa isang karera, tumatakbo siya dahil sa sakit ng palo na kanyang nararamdaman. Ang buhay ay isang karera, at kapag ikaw ay nakakaramdam ng sakit........... isa lang ang ibig sabihin nun. Kabayo ka!

8 comments:

  1. naks bagong bahay.. haha! natawa ako akala ko serious post yan..

    gandang song naman itong background mo.. i like Brian Mcnight.. inantok tuloy ako..

    ReplyDelete
  2. @mommy- nagsawa na ako dun sa gamit kong una mommy kaya time for a change. Gustong gusto ko din si brian mcknight eh. I added you nga pala on my blog roll mommy hehehe..

    ReplyDelete
  3. correction lang po kuya hindi po ako kabayo, baka po ako sabi ng nanay ko he..he. God bless. thanks sa wisdom na share mo.

    ReplyDelete
  4. gusto ko ung sa alak at sa gatas. tamang ikumpara sila :P

    ReplyDelete
  5. salamat sa pagbisita ginoong elpidio at miss traviliztera..

    ReplyDelete
  6. those words of wisdom helped us grow..

    ReplyDelete
  7. Hahaha the best ung sa kabayo XD

    ReplyDelete
  8. Ok. Agree ako kay Kench. Natawa talaga ako dun sa kabayo. Hahaha! Invite kita sa blogs ko. Hehehe! Sana mapasyal ka.

    ReplyDelete