Thursday, June 30, 2011

Isang Taon Na!


Parang kailan lang, hindi naman tayo gaano nagpapansinan..
Parang kailan lang, magkatrabaho lang ang ating turingan..
Parang kailan lang, ng maghiwalay ang ating mga landas..
Parang kailan lang, ilang taon na nga ba ang lumipas?

Dumaan ang limang taon at marami ng nangyari..
Mga segundo at oras na lumipas
Mga araw at linggong dumaan na parang hangin
Mga buwan at taong nagdaan na Diyos lang ang makakapagsabi..

Hindi na natin namalayan
Mas mabilis pa sa kidlat na dumaan
Basta ang huli kong natatandaan
Sa isang mall ang ating muling naging tagpuan

Pagkatapos ng pagkikitang iyon,
Hindi lang basta doon nagtapos iyon,
Nasundan pa ng maraming pagkikita at pag-uusap sa pamamagitan ng text
Hanggang sa tuluyan na nating makalimutan ang ating mga EX..

Muling nasimulan ang naudlot na pag-iibigan..
Muling umusbong ang matamis na pagtitinginan..
Basta bigla na lang natin namalayan,
Tayo pala ay ganap ng nagmamahalan..

Ngayon isang taon na ang lumipas,
Anibersaryo na pala natin bukas..
Isang napaka-espesyal na araw para sa ating dalawa..
Saan mo balak tayo pumunta? (nood tayo transformer Hon!)

Maligayang unang anibersaryo sa ating dalawa Honey ko!

8 comments:

  1. happy anniversary sa inyo!!!! God bless sa marriage life nyo!! dapat ang pagsasama nyo ay love triangle!! hephep!mali ang iniisip mo...triangle kasi ganto...

    jed GOD jenny - sya ang dapat center! :D

    ReplyDelete
  2. huuwwwaawww...Happy anniversary sa inyo...3 months lang pala pagitan natin..:) Congrats and best wishes to both of you.

    ReplyDelete
  3. Congratulations. Ang pinakamasarap na bunga yata ng pag-iibigan ay ang supling.

    ReplyDelete
  4. Happy anniversary sa inyo ni paloma, jedpogi.. ang cute ng love story niyong dalawa.. :))

    ReplyDelete
  5. Just dropping by!Happy 1 year anniv! Sana mas maging matatag pa ang pagsasama nyo!

    ReplyDelete
  6. maraming maraming salamat po sa inyong mga pagbati... mabuhay po kayong lahat!

    ReplyDelete
  7. Belated Happy Anniversary Hon! Isa lang masasabi ko, ang ganda ng Transfomrer! yebah!

    ReplyDelete