Thursday, May 26, 2011

Sa Isang Kisapmata

Bakit may mga bagay na kailangang mawala?
Bakit ba kailangang silang lumisan?
Bakit kung kailan mo sila kailangang kailangan
Hindi na puwede kasi wala ka ng aasahan...


Napakahirap mawalay sa matagal mo ng nakasanayan
Napasakit isipin dahil hindi mo man lang namalayan
Ano man ang gawin mo hindi na maaaring balikan
Wala ng ibang pwedeng gawin kundi ang magkamot sa ulo at magkamot sa tiyan


Ang salapi at kayamanan ay napakahirap makamtan
Dugo at pawis ang iyong nagiging puhunan
Kaya't kung sakaling mabigyan ka ng pagkakataon na ito'y mahawakan
Iyong ingatan at huwag hayaang ito'y gastusin sa walang kapararaan..


Isa lang naman ang nais ko ipahiwatig
Na sana sa paggastos tayo'y magtipid
Isipin natin ang ating kinabukasan
Nasa ating kamay nakasalalay ang ninanais na magandang buhay..

3 comments:

  1. tama ka jan,long time no post.. grabi ang picture.. nagtatapon ng pera sa inidoro.. hehe!

    ReplyDelete
  2. Minsan ang mga bagay na pinakamamahal mo ay mawawala sa isang siglap lamang. :)

    ReplyDelete
  3. Akin nalang yung mga pera, dami.. Love is inevitable - it's universal.. Too huge!

    ReplyDelete