Wednesday, May 4, 2011

ITNOK ( itik at manok )

Good afternoon madlang pipol! Day off ko ngayong araw na ito at syempre hindi naman espesyal ang araw na ito kasi si misis may pasok sa work... Ako naman, mas pipiliin ko pang magpahinga kasi kinabukasan may pasok na naman hayyyyssssssssssssssssssssssssssssss!!!!!

Well masasabi kong hindi productive ang araw na ito para sa akin pero hindi ko din naman masasabing katamaran etong ginagawa ko kasi nga karapatan ko namang magpahinga sa araw na ito. Wala akong ibang pinagkaabalahan kundi ang magfacebook, ,maggitara at magblog.

So nagsawa ako dun sa ginagawa ko kaya ipinasya kong magmeryenda kasi may narinig akong Teng Teng Teng Teng!!!!!  Dali-dali kong tinawag si manong sabay sabing, " Manong! Pabili po ako!" Huminto sa tapat ng gate si manong at akmang binuksan ang kanyang paninda samantalang ako naman ay dali-daling pumunta sa loob ng bahay.

Bakit kanyo ako pumunta sa loob ng bahay?? Aba'y para kumuha ng plato kasi paborito ko ang binatog! Nung inaabot ko na kay manong ang plato bigla kong nakitang nagbabalat sya ng mais kaya nasabi ko tuloy... Manong mais ba ang tiinda ninyo?? Sagot ni manong, oo mais! Sabi ko naman... Eh bakit batengteng ang gamit ninyo napagkamalan ko tuloy na binatog ang tinda ninyo sabay kamot sa ulo ko... Wala na akong nagawa kundi bayaran ang  tatlo sabay may halong sama ng loob na nginasab ko ang mais...
 
Habang kumakain ako ng mais ay natanawan ko ang alagang itik at manok ng kapitbahay ko... ( Heto ang mga larawan...)










Kasi para silang magkapatid eh.. Pagkaubos ko ng kinakain kong mais ay agad kong kinuha ang kamera at piniktyuran ko silang dalawa. Aba'y hindi pa ako nakuntento dun at binidyo ko pa sila kamo he he he... Ayan lang naman ang isa sa makabuluhang nagawa ko ngayong maghapon at para may mapanood kayo.. Syempre ipapakita ko ang video...

video

4 comments:

  1. lol. kaw na ang di nagtatanong bago bumili. panu kung lason yun? joke lang.

    ReplyDelete
  2. nakakatawa naman ang mgapicture mo. naalalal ko tuloy yong mga alaga ng kaptid ko sa probinsiya namin. next time tanungin mo muna sayang naman.ibang style ni manong.

    ReplyDelete
  3. namis ko ang binatog. hehe... diba mais din naman ang binatog? kulay puti nga lng at ibang klaseng mais ata un.. pero ang point ay mais pa din sya. lol... so ok lng un. lamang-tyan din un! ahaha

    ReplyDelete
  4. haha..itim na itik..parang magkasundo sila..

    ReplyDelete