Sunday, April 17, 2011

TIBAY AT LAKAS NG LOOB

Hinding hindi ko malilimutan na minsan sa aking buhay ay nakapunta ako at nakapagtrabaho sa Kuwait... Opo, apat na taon din akong namalagi sa bansang ito at marami akong karanasang hinding hindi ko malilimutan.

Sa Kuwait natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa na malayo sa aking mahal sa buhay, malayo sa mga kaibigan at malayo sa bansang Pilipinas na aking kinagisnan. Tumayo sa sariling mga paa sa paanong pamamaraan????? Napakadali lang sagutin.... Unang-una, kailangan mong magtrabaho para sa sarili mo at syempre para na din sa mga taong umaasa sa iyo. Pangalawa, kailangan mong magluto ng pagkain para sa sarili mo, magplantsa ng isusuot mong uniporme at maglaba syempre para sa sarili mo. Pangatlo at ang pinakaimportante sa lahat na natutunan ko ay ang........... Pagiging MATAPANG!!!! Kailangan natin ng tapang, tibay at lakas ng loob sapagkat makikisalamuha ka sa iba't-ibang uri ng tao na kalimitan ay kaibang nasyon mo at lalong lalong hindi mo kapareho ng pananalita.

Malaki ang naitulong ng mga karanasang ito na alam kong humubog sa aking pagkatao at malaki ang pasasalamat ko dahil pinatatag at pinatibay ako ng mga karanasang ito.

Ang buhay ng tao ay puno ng maraming pagsubok at kahit na nakabalik na ako ngayon dito sa ating bansa.............. Alam ko na marami pa din akong kakaharaping mga pagsubok at malakas ang paniniwala kong kayang kaya ko itong malampasan kasama ang aking maybahay at ng aming magiging anak sa tulong at awa ng Poong Maykapal.

4 comments:

  1. Mama ko din nagwork sa Kuwait.. di ko maalala gaano siya katagal..pero baka 1 taon lang yata.. nahihirapan din kase siya... :)

    So anyhoo.. nawiwindang talaga ako pag nasasabi yung TIBAY eh.. hahaha... surname ko kase TIBAYAN.. filipino ako! ahahaha

    ReplyDelete
  2. magandang karanasan kasi ito ay humubog sa iyong pagkatao.. matibay ka kaibigan..:))

    if you don't mind ano work mo now?

    ReplyDelete
  3. magandang halimbawa ng pagharap sa pagsubok sir.. nakatutuwa ang inyong karanasan. Nakakapagbigay ng inspirasyon sa magbabasa..

    magandang araw po sa inyo :)

    ReplyDelete
  4. raise da roof!!! naman! mag-4 na taon na ako dito at lahat ng yan expert ko na!! hahahah! ganun talaga kailangan marunong kang maging matapang sa lahat ng bagay at matutong tumayo mag isa!

    PINOY TAYO!

    ReplyDelete