Friday, April 22, 2011

SWERTENG MALAS

Naniniwala ako sa tinatawag na "Swerte" at naniniwala din naman ako sa tinatawag na "Malas". Pero kung ikaw ang tatanungin? Ano ang mas gusto mo? Swerte o Malas? Kung ako ang tatanungin.... Syempre dun na ako sa swerte kasi sino ba namang tao ang naghahangad na malasin hindi ba??

Pero alam nyo bang may mga pangyayari sa buhay na akala mo sinuwerte ka na pero kalaunan malas din pala?? Iyon ang tinatawag na SWERTENG MALAS!!!

Heto ang ilan sa mga halimbawa ng tinatawag na swerteng malas...

SENARYO: Naglalakad ka sa isang kalsada, pagtingin mo sa nilalakaran mo may nakita kang wallet... Presto! Di ba ang swerte mo???? Pero nung pulutin mo yung wallet at kalkalin ang laman nito... Wala naman palang laman ito kundi kung anu-anong papel at Kard lamang... Malas mo naman hehehehe...

SENARYO: Tumaya ka sa lotto ng EZ2... sakto nang araw din na iyon ay tumama ang numero na tinayaan mo.. Kaswerte mo naman! Pero nung kukubrahin mo na yung tama mo.... Hindi mo makubra kasi natupi mo yung tiket mo... Hays ang malas mo naman!

SENARYO: Lima kayong magkakapatid sa loob ng pamamahay at iisa lamang ang computer na inyong ginagamit para makapagfacebook.... Sa di inaasahang pagkakataon, umalis ng sabay sabay ang apat mong mga kapatid... Napakaswerte mo dahil solo mo ang computer para magfacebook! Pero nung akmang gagamitn mo na ang computer........... Biglang nagbrownout! Awts! Kamalas mo naman....

SENARYO: Naglalakad ka ulit... Sa iyong paglalakad nakapulot ka ng 1000 Pesos! Swerte mo naman! Inilagay mo ito sa iyong bulsa pero nung akmang kakain ka na sa isang Foodchain.... Butas pala yung bulsang pinaglagyan mo! Ang malas mo naman!

Ilan lamang iyan sa mga halimbawa ng mga swerteng malas at kung makakaranas ka ng mga ganitong pangyayari.... Isipin mo na lang na ang buhay ay "Weather Weather Lang"!

Ikaw may naiisip ka pa bang swerteng malas??? Ibahagi mo na sa komento!!! Tiyak na masaya ito... Cheers!

3 comments:

  1. Adik na post! lol... ayos yung pangalawang scenario... hehehhehe

    ReplyDelete
  2. niyahahahahhahahaha nakakatawa naman toh... hmmm.. naniniwala ako sa swerte, malas, karma... pero lately naisip ko na imbis sabihin kong swerte sasabihin ko na lang na blessed ako... hehehe tapos kapag minalas... ewan ko.. hahahaha life is unfair.. kaya gusto ko i-assume na lahat ng worst na bagay pwede mangyari sa kin.. at actually excited ako na mangyari ang worst.. hahaha... >>plastik eh noh.. heheheheh

    ReplyDelete