Saturday, April 2, 2011

MANG JOSE

Nung kabataan ko.. Nakahiligan kong subaybayan ang mga paborito kong superhero na kinabibilangan ni Superman, Spiderman, Incredible Hulk atbp. Bilib na bilib ako sa kanilang kakayahan at mga natatanging kapangyarihan na hindi mo mamamalas sa isang ordinaryong tao lamang..

Pero isa lang ang katanungang bumabagabag sa aking isipan..... Nasaan na nga ba sila ngayon? Ano na bang nangyari sa mga superhero na ito? Umiiral pa ba sila o may iba na silang pinagkakaabalahan.

Syempre hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nabibigyan ng kasagutan ang mga katanungang ito.

Nagsaliksik ako ng nagsaliksik hanggang sa muntik ng matuyo ang aking utak JOKE!!!!!!!!!!!!!!!

Sa wakas at nagbunga ang aking pagsasaliksik dahil natagpuan ko ang ilan sa kanila. Siyempre hindi ako madamot sa impormasyon kaya ilalathala ko ang kanilang mga kaanyuan sa kasalukuyang panahon.

Isa na palang ganap na BEKI si Superman ngayon... Tsk Tsk..
SI SUPERMAN

Wala na... Talagang pagod na si Batman kaya Timeout daw muna...
SI BATMAN

Isa na palang sikat na tennis player si Hulk at may laban sya kontra kay Nadal..
SI INCREDIBLE HULK

Naghihirap na si Spiderman kaya ginamit na lang nya ang powers nya sa paglilinis ng matataas na bintana..
 SI SPIDERMAN

Napabayaan na ni The Flash ang kanyang pangangatawan kaya ayan ang nangyari...
SI THE FLASH

Akalain mo isa na pala siyang kampeon ng UFC!
SI CAPTAIN AMERICA

Hay naku as usual, talamak pa rin sa alak kaya ang laki na ng tiyan ngayon..
SI IRON MAN

Ilan lamang sila at sana yung iba... Nasa mabuti sana silang kalagayan.


3 comments:

  1. nyahahahaha.. may mga kanya-kanya na pala silang pinagkakaabalahan,,, ahaahhahaa... hindi mo dinagdag dito si darna... lam mo ba nangyari sa kanya?

    ReplyDelete
  2. natawa ako sa pic ni batman, c d flash gone by the wind na ang abs.. hehe! cnu c mang jose? sana sinali mo din c wonderwoman..cgruro lose young n yon. hahaha

    ReplyDelete
  3. @kamila- ano na nga bang nangyari kay darna?
    @mommy razz- si mang jose yung pagkatapos ka nyang iligtas biglang magiissue ng resibo para maningil hehehe...

    ReplyDelete