Thursday, April 7, 2011

ITSY BITSY SPIDER

Ang pagbubuntis ay isang malaking responsibilidad na kailangang isaalang-alang ang pagkunsidera sa mga masusustansyang pagkain sapagkat ang kalusugan ng sanggol sa iyong sinapupunan ay nasa wastong pagkain na iyong kinakain sa simula pa lang iyong paglilihi.

Ang wastong nutrisyon ay mahalagang isaalang-alang bago ka magbuntis, habang ikaw ay buntis at pagkatapos mong manganak para masiguro na malusog ang sanggol at syempre malusog ka rin na kanyang ina.

Ano ba ang iyong Goal? Syempre ang kumain ng mga masusustansyang pagkain habang iniiwasan mo naman na sumobra ka sa calories, fat at sugar. Bakit kailangan mo namang iwasan ang mga ito? Upang makaiwas ka sa mga banta ng sakit tulad ng labis na katabaan (oink oink!), diyabetis (sige ka baka langgamin ka!), sakit sa puso (sama mo na yung pagiging broken hearted he he he...), hypertension ( galaw galaw baka pumanaw!) at osteoporosis na kalimitang nagiging sakit ng mga babae dahilan sa pagbubuntis.

Kaya sa mga magiging nanay dyan, mayroon kayong malaking responsibilidad na dapat gampanan habang kayo'y nagbubuntis upang matiyak ninyong magiging malusog ang inyong magiging anak at kalakip ng nito ay upang maminitina ninyo din ang inyong sariling kalusugan kaakibat ng inyong buong pagkatao. AMEN!

Kaya sa mga magiging INA po dyan! Congrats po sa inyong lahat dyan! Congrats din sa'yo honey ko! CHEERS!

4 comments:

  1. Hahahah mabuting AMA ka... bow ako sayo.. at syempre para makaiwas sa Manas.. paglakad-lakarin si Misis.. at yun na nga wag over eating ng mga makakasamang foods! :)

    ReplyDelete
  2. hahaha, pinaparinggan mo ko hon, masunurin naman ako sau ah, lahat na nang bawal hindi ko na kinakain diba? hehehe INCY WINCY SPIDER HON... un ung kanta nmin ni baby pag naglalaro....

    ReplyDelete
  3. good luck sau..

    ung picture kita ang paa ng baby sa tiyan ng nanay.. OH MY GOD!

    ReplyDelete