Wednesday, April 13, 2011

Aray Ku! IAlaxan IF R Mu!

 Haysssssssssssssssssssssssss..............................
Grabe ang sakit ng mga paa ko at alak-alakan dahil pangatlong araw ko na sa aking work at talaga namang kapag nasanay ka ng nakaupo at nakahiga palagi sa bahay, aba'y sanayin mo namang lagi kang nakatayo sa work......

Talaga nga naman at hindi pa dyan nagwawakas ang aking kalbrayo dahil pagkatapos ng mahabang tayuan.....

Aysus! Nagtataasan namang hagdanan ng MRT ang aakyatin mo para naman sa oras ng uwian talaga nga naman o buset!!!!

Sa wakas nakarating na ako sa taas! Pila naman ng bilihan ng card para sa tren sus ginoo!!!!!! (pero ngayon nakagawian ko ng bumili ng Stored Value Ticket para iwas pila!)

Yes sa wakas!!! Nakabili na ako ng tiket! What??? Pila na naman para naman sa pagtse-tsek ng bag????

WOOOOOOOOOOOOHHHHHHHHHHH! Sa wakas nakapasok din sa istasyon! Patsek-tsek pa ng bag eh tinusok-tusok lang naman ni manong guard ang laman ng aking bag na animo'y tumutusok ng pisbol!

Pagpasok ko naman ng istasyon... Wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!! Punuan naman sa loob ng tren buset talagang buhay to o!!!!! Pag nakapasok ka naman, tatayo ka pa rin!

Yan ang mga kadahilanan kaya may mga nararamdaman akong masakit sa mga oras na ito. Pero isa lang ang mga masasabi ko... Gaano man kahirap ang pinagdaanan ko upang makauwi lamang sa bahay.. Wala pa ding kasing-sarap kapag nakita mo na si misis at inihahanda na ang aking masarap na hapunan...  THE END

7 comments:

  1. hay nako i can totally relate. kaya mas gusto ko nang mag bus kahit medyo matagal at least nakaupo at wala ng mataas na hagdanan hehehe.

    ReplyDelete
  2. halos lahat yata tayo nakakaramdam ng pagod sa trabaho.. parte kasi yan ng ating buhay eh.

    pero ang nakakatuwa, tulad mo sir.. ang nakakaalis ng pagod sa akin ay ang mga anak ko.. ung sumalubong lang sila pagdating ng bahay.. the best na..

    magandang araw sayo sir..

    ReplyDelete
  3. ayus lang ang ganyang sitwasyon ser. importante ay may trabaho tayo at masaya tayo sa ginagawa na tin. ang ganitong mga bagay parte ng ating buhay na kelangan natin suuingin.

    goodluck sa bagong work ser at sa pagbubuntis ni maam.

    ReplyDelete
  4. kaya pala i-alaxan mo ang title.. kaya mo yan, masasanay ka din, dble nanjan naman c misis na pumapawi sa pagod mo..:)

    ReplyDelete
  5. Awwww... ang sweeet! Sa huling linya I like it!! :) Hahahaha... pero una iniisip ko LRT.. MRT pala.. patayan dun... hahah

    pero ahh commerciala yata talaga tong post na ito hahhaa

    ReplyDelete
  6. Naks, may inspiration pala e. Okay lang mag Enervon araw-araw basta may inuuwian. :D

    ReplyDelete