Tuesday, March 29, 2011

TALAGA NAMAN

Anak  ng teteng! Huu! Tagal ko hindi nakapagpost ng bagong blog ah! Kasi naman busy ako sa pagpapamedical, neuro exam at pagkukumpleto ng requirements!

Pero in fairness! Malapit na ako magtrabaho ulit at tapos na ang maliligayang araw ko ng kakatambay hehehe.. Imagine, buhat nung dumating ako sa Pilipinas buhat sa kuwait nung last April 28, 2010 eh inabot ng isang taon bago ako magkawork ulit?? Anak ng tipaklong talaga hahahaha!!!

Pero sa kabila ng mahabang panahon na pagkakapahinga ay sa wakas may maganda pa ding resulta. Unang-una gusto ko pasalamatan ang lahat ng taong nakapaligid at handang sumuporta sa akin sa kabila ng lahat. Ang misis kong si Jenifer na full support talaga sa akin lalo na sa Financial needs ko lalong-lalo na sa paghahanap ng work at higit sa lahat sa mga magulang ko at syempre sa byenan ko na din. Kung hindi dahil sa kanila baka sumali na ako sa TALENTADONG PINOY , PGT, WILLING WILLIE at saTHE PRICE IS RIGHT para magkapera lang bwahahahahaha!!!!!

Pero alam nyo ba? Dito ko naranasan sa mismong bansa natin ang matahin ng ibang HR Personnel, kasi sa ibang kumpanya basta hindi ka nakatapos ng kolehiyo ay wala kang karapatang magaplay ng mga managerial position. Kahit na napakaganda ng position ko sa ibang bansa bilang supervisor ng isang fine dining restaurant eh naku hindi umubra dito sa ating bansa!!!!! Naku naman! Yun lang bang mga gumradweyt ang may K?????

Hay naku!!! Kelan kaya magbabago ang kalakaran sa bansa natin? Nakailang palit na ng pinuno pero wala pa din talagang pagbabago.  TALAGA NGA NAMAN O!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Samahan na ko na nga ng napakagandang soundtrack na ito na may magandang video na din hehehehe... Talaga Naman by The Dawn.. Cheers!

8 comments:

  1. oo tama ka diyan,. iba yung level ng education sa atin once na nag-aaply tao ng work...
    im happie for u may work ka na :D

    ReplyDelete
  2. yey! may work na si honey kow! congrats hon! mwah! I'm always here for you watevah happend!

    ReplyDelete
  3. bkit hindi mo isinali ang "happy yipee yehey!" hehe! sana tuloy tuloy na yan, gud luck sa bago mong work! AJA! hehe!

    ReplyDelete
  4. oi san ang bagong work? libre naman dyan.

    ReplyDelete
  5. wow congratz!! oo tama ka walang sistema sa atin mamatahin ka lang buti pa sa ibang bansa may K tayo! kaya di umuunlad ang pinas dahil sa pag uugali nilang ganyan!

    ReplyDelete
  6. maganda nga ang kanta na iyan ng the dawn.....pero gusto ko ang awitin nila na SALAMAT..inaawit ko talaga iyon kapag may inuman sa videoke with my barkada..lalo na kung ang kaibigan galing ibang bansa at manlibre ng inom..inaawitan ko.....kasi pinipilit ako..forget ko na kasi ang tungkol sa songs..

    ReplyDelete
  7. huh? How dare na matahin nila..hmp naiinis ako sa mga mapagmata.. dukutin ko mata nila eh.. noh ka ba..don't be sad kahit minata ka nila.. ang mga successful na tao sa mundong ibabaw natin ay yung mga di nag tapos.. katulad ni Bill Gates, ni Mark Zuckerberg (gumawa ng fb), Oprah Winfry.. sunod na ko.. chos!

    Pero congrats naman at ikaw ay nasa requirements na!!! Happiness for you!

    ReplyDelete
  8. well said.. ang masama pa nga nito sa pinas lang yung naka graduate ka na pag di kilala yung school mo di ka din papansinin.. pero pag well known school mo ikaw na!... adik lang diba .. >.<

    ReplyDelete