Wednesday, March 2, 2011

Gulp Gulp Gulp Ahhhhhhhhhhh! Alak pa!!

              Naging kasama na ng maraming katoto natin ang mga inuming nakakalasing na kalimitang tinatawag nilang serbesa, alak, toma, muni, beer, ginbulag, alcohol atbp. Sa katunayan, namamayagpag ang mga manufacturer nito at syempre nangunguna na ang San Miguel Brewery sa listahan ng lubos na nakikinabang.

              Ang alak ay madalas na present sa lahat ng kasiyahan gaya ng pista, bertdey, kasalan, binyagan, thanksgiving party, bagong tuli nagpainom, manunuli nagpainom sa dami ng tinuli at marami pang iba. Naku asahan mo din na pagkatapos ng inuman, maraming basag na bote, basag na mukha, basag na bintana, nagkalat na hugasan, nagkalat na tsinelas dahil sa takbuhan at higit sa lahat nagkalat na balita pagsapit ng umaga.

               Minsan hindi nagiging maganda ang kinahihinatnan pagkatapos ng inuman subalit hindi na natin maiiwasan ang mga ganitong uri ng pangyayari. Hindi mo rin naman maiaalis sa mga tao at lalong lalo na hindi mo sila kayang pigilan kung gusto nilang uminom at magpakalango sa alak. Ewan ko ba pero talagang nakasanayan na nila eh... ano pang magagawa natin.

                Pero alam ninyo ba mga katoto kung anong gustong gusto kong dahilan kung bakit umiinom ng alak ang isang tao????? Ang dahilan sa pagibig he he he... Nakakatuwa silang pagmasdan kasi nagpapakalasing sila dahil iniwanan sila ng kanilang minamahal. Opo, alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng isang minamahal pero parang kababawan naman kung magpapakalasing ka d ba?? Marami namang pwedeng paraan para makalimutan mo sila pero hindi ang magpakalango ka sa alak!!!! TAMA? TAAAMMMAAA!!!!

                Basta isa lang ang maipapayo ko sa mga manginginom.... Ang ALAK sa tiyan nilalaman.. Sa mga tanggero naman! Hindi baleng magtagal sa suso, Huwag lang sa BASO HAHAHAHA!!!!!



Gusto ko tong kantang ito ng ITCHYWORMS kaya ito ang nararapat na kanta para dito... CHEERS!

8 comments:

  1. Tama nga naman, pag may problema sa pag-ibig, minsan ang nagiging masyang kasama ay ang alak..panandaliang makalimot, at magkalakas ng loob na mailabas ang pighati, ang sakit na nararamdaman, hehehe... those were the days? =D

    ReplyDelete
  2. @Prop- Salamat sa pagbisita at sa pagkomento prop! At dahil jan nagfollow ako sa blogs mo! KAMPAI!

    ReplyDelete
  3. ewan ko.. pero pag may problema... masarap uminom.. kase pakiramdam ko.. high at masaya pag lasing... i mean hindi mismo yung act na yun ah.. pero pag naalala ko kinabukasan yung mungtanga na nangyari... may iba na akong kwentong maiisip bukod sa problema ko...

    ReplyDelete
  4. hindi naman ako laseng.. nakainom lang.. yan ang kadalasang sinasabi ng nagpapalusot.. sa totoo lamang, base sa aking experience eh wala naman lasing na hindi alam ang ginagawa.. corny na ang mga ganon na kung paggising kinabukasan eh sasabihin na hindi alam kung anong nangyari.. sarap batukan hahaha

    umiinom ako pero hanggang sa kaya ko lang.. once na ayaw ko na..hinding hindi na ko mapapainom hehehe..

    sarap sipain ng mga lasing na nasasalubong sa daan, ung pahebay hebay tapos ma
    tapang.. hahaha..

    ReplyDelete
  5. @kamila- masarap talaga uminom lalo na pag masarap ang pulutan hehehe...
    @Banjo- May tama ka Parekoy!!!!

    ReplyDelete
  6. oo nga sarap uminom!! kakamiss na yan bawal kasi uminom dito. di ka makakabili basta-basta patago lang!

    hmmm...tagay na nga lang!!! cheers!

    ReplyDelete
  7. @iya_khin- ay bakit iya, nasa middle east ka ba?

    ReplyDelete