Tuesday, March 22, 2011

ANG ZIPPER

               Sir excuse me lang po... Pwede ho bang magtanong kung anong oras na? Nagulantang ako sa napakagandang babaeng nagtatanong ng oras dahil ng mga sandaling iyon ay busy ako sa pagtatanggal ng tinga ko sa ngipin gamit ang toothpick na nakatusok sa fried chicken na may nakasaad na Spicy Chicken...

 Malugod ko namang sinagot ang babae ng mag-a-alas dose na po Ma'am! Ewan ko ba, hindi ko naman siya Titser at lalong hindi ko naman siya BOSS pero nakagawian ko ng sabihin sa lahat ng tao mapa-lalake man o babae bilang tanda ng paggalang ang "Sir at Ma'am".


Napakaamo ng mukha ng babae at parang isang anghel na nanaog buhat sa langit upang magtanong lang ng oras sa akin. Maputi ang babae, balingkinitan ang pangangatawan at may mahabang buhok na lampas balikat at bumagay sa kanya ang puting uniporme ng isang nag-aaral maging nurse sa isang pribadong unibersidad dito sa kamaynilaan...

Bahagyang ngumiti ang babae at lumabas ang mapuputing ngipin sabay sabing.... Salamat POGI!!!!! HUWAW!!!!! Pogi daw ako???????? Nyahahahaha!!! Halos muntik ng bumaon sa gilagid ko ang toothpick na pinangtatanggal ko ng tinga sa ngipin ko..

Pagkatapos ng sinabi nyang iyon ay unti-unti na siyang naglakad papalayo na hindi ko naman pinakialaman kung saan siya pupunta. Nang hindi na siya matanaw ng aking paningin ay ipinasya kong maglakad na rin pauwi ngunit ng akmang lalakad na ako ay bigla akong tinawag ng Guwardiya ng nasabing establisyimento.... Sir! Sir! Sir! Pwede naman nyang sabihin na Sir to the third power.... Lumapit ako sabay sabing... Bakit ho manong??? Sir kasi ho bukas ang zipper ninyo!

BASAG!!!!!!!!!!!!!!!!! HALOS MAGUNAW ANG AKING MUNDO................. Bukas pala ang zipper ko eh ang tagal ko ng nakatayo, busy sa pag-titinga at napagtanungan pa ako ng oras ng magandang binibini eh bukas pala ang zipper ko nyahhhhh! Buhay nga naman o...... Ay sows!!!!!

Iiling-iling akong naglakad papalayo habang isinasara ang nakabukas ko palang zipper hehehehe..... CHEERS!

10 comments:

  1. Hahaha!! Una kong naisip, baka yung unang nakakita na bukas ang zipper eh yung magandang miss na lumapit sayo para magtanong ng oras. Ano.. may possibility ano? Hehe..

    Nakakahiya na nakakatawa ang mga ganung sitwasyon. Ayan, lesson na yan. Next time, bago ka gumala at lumabas ng bahay, check mo muna lahat... wallet, cellphone.. zipper.

    May gusto pa sana akong itanong.. kaso nahiya na ako. Hihihi!!! :P

    ReplyDelete
  2. ano kaya yung isa pang tanong???hehehehe...

    ReplyDelete
  3. Lumapit yung babae para tiyakin kung bukas talga zipper mo... hahahaha!

    ReplyDelete
  4. whahaha ang kulit.. pambihira ka... san ka ba galing bakit bukas ang zipper mo ha hehehe :D
    kaya naman pala biglang sabi sayo eh pogi eh :D

    ReplyDelete
  5. @ nioky- baka nga noh???
    @ AXL- galing sa kathang isip ko langyan tol hahahaha!

    ReplyDelete
  6. nyahahahah! san ka ba nagsususuot at nakabukas ang zipper mo? baka naman dumungaw ng may lumapit sayong magandang binibini?! hahah

    ReplyDelete
  7. Ok lang yan at least natawag kang pogi.nahiya lang sabihin sayo kaya lumapit kay manong at pinakiusapang sabihin sayo.Imahinasyon ko lang.

    ReplyDelete
  8. Hhaa baka kaya nangiti si Ma'am, nagustuhan nya ang nasilip nya bwahaha

    ReplyDelete
  9. niyahahahaha... i-check muna ang sandata bago umalis ng bahay at bago lumabas ng cr.. hahaha baka may nakalimutang itaas. Hahahahaa.! Katawa ka naman.

    ReplyDelete
  10. hahahaha! nkakahiya sa anghel na nanaog buhat sa langit, nkita niya ang open sisame! hehe! ingat ka sa sunod..

    ReplyDelete