Wednesday, March 16, 2011

2 Become 1






  
               
                  Totoo nga ba ang katagang 2 heads are better than 1?  Sa pisikal na kaanyuan gaya ng mga nasa larawan, hindi ito maganda kasi... it looks weird and different ika nga, pero kung pagbabasehan natin sa ibang aspeto, nakabubuti ito...

                  Sa mga group activity, mas nararapat na pagsama-samahin ang ideya ng bawat isa upang maging maganda ang resulta ng gagawing aktibidad.

                  Sa isang kumpanya hindi ba hindi naman ito uunlad kung hindi pagtutulungan ng maraming empleyado?

                  Sa basketbol, magchachampion ba ang isang team kung ang isang manlalaro ay may piring ang mata at walang nakikitang kakampi?

                  Sa kalokohan, minsan mas nagiging matagumpay pag marami ang magpaplano hehehehe...

                  Sa paggawa ng bahay, hindi naman kakayanin ng isang karpintero lang para maitayo ang isang bahay.

                  Sa paggawa ng bata, hindi mabubuo ang isang buhay kung hindi rin mabubuo ang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang magsing-irog.

                  Isa lang ang gusto ko ipaunawa, anuman ang iyong gagawin, anuman ang nais mong matupad, anuman ang iyong hangarin sa buhay... hindi mo maisasakatuparan yan ng ikaw ay nag-iisa. Hindi masamang humingi ng tulong, sa pakikipagtulungan sa isa't-isa nagmumula ang magandang resulta.

                  Last na to! Hindi  magiging masaya ang iyong kaarawan kung magcecelebrate kang mag-isa!!!!  Kaya sa mga may kaarawan sa buwang ito, HAPPY BIRTHDAY PO SA INYO!! PARTY PARTY!! CHEERS!

9 comments:

  1. oh my god! totoo ba mga yan?

    hello!

    ReplyDelete
  2. hahahah panalo yung gumawa ng bata hahahahah.. miss ko na vitamin... tagal na din di umiinom..

    ReplyDelete
  3. TAMA KA! Mas masaya kong di ka nagiisa sa kahit anong ginagawa mo.Iba ang pakiramdam kung may kabahagi ka sa kahit anong tagumpay na iyong nakukuha. Try mo ngang kumain ng magisa kahit anong sarap nito iba ang may kasalo.

    ReplyDelete
  4. no man is an island sabi nga..

    tama, ano man ang ating ginagawa, hindi tayo nagiisa.. sabihin na natin na literal na magisa nating ginawa ang isang bagay, pero nandun ang ideyang maaring hindi lang nanggaling sa ating sarili.. kumuha din tayo ng ideya ng iba...

    magandang araw po..

    ReplyDelete
  5. katakot ng ahas na dalawa ulo, hehehe... yan kya ang tumuka, x2 ang sakit, x2 din ang bilis ng kamatayn...nice hehehe

    ReplyDelete
  6. pati sa hayop mayroon din dalawa ang ulo..ngayon ko lang nakita ang ibang nasa larawan..lalo na iyong ahas..

    ReplyDelete
  7. katakot naman yan!

    korek da more da merrier!! heheheh!

    may naiisip ako pero wag nalang!!! hahahha

    ReplyDelete