Thursday, February 10, 2011

JOKE JOKE JOKE!!!!

             Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging palabiro. Minsan nga,  kahit gaano kaseryoso ang usapan ay dinaraan pa rin natin ito sa kalokohan. Ang tanong, Siraulo ba tayo? May toyo ba tayo sa ulo? Pinalaki ba tayong may sayad sa ulo? Well well well.... Huwag ako tanungin ninyo kasi hindi naman ako ang magulang ninyo mga PAKING SYET! LOLS! Joke lang yun! 


             Sa kabilang banda, minsan nakakatuwang isipin na kahit marami tayong problemang kinakaharap sa buhay, hindi nawawala sa isipan natin ang tumawa at magpatawa. Ang pagtawa kasi para sa maraming tao ay nakakapagpagaan ng loob , nakakawala ng stress, nakakawala sa sarili, nakakawala sa hawla, nakakawalang ulirat at lahat ng pwedeng mawala sa inyo huwag lang ang WALLET nyo hehehehe..




             Upang maging lubos ang kasiyahan ninyo sa pagbabasa ng nilalaman ng sinusulat ko ( kung may laman nga ba? ), narito ang ilan sa mga joke na kung hindi man kayo matawa, ay tiyak nakornihan kayo at tiyak galit na galit kayo kung bakit ko sinulat to. 


BABALA: Ang matawa talagang masaya. Ang hindi matawa, hindi ko napasaya...




                                                       MANG TOMAS
Dalawang lalaki ang nag-uusap

LALAKI 1:  Pare, paano mo sasabihin sa isang taong napakataba na mataba siya ng hindi mo nasasaktan ang damdamin niya?

LALAKI 2:  Meron bang ganun Pare? Para sa akin napakahirap sabihin nun kasi talagang masasaktan siya kapag sinabi kong NAPAKATABA niya!

LALAKI 1:  Meron Pare! Ganito ang sasabihin mo sa kanya..... Miss/ Mister, mawalang galang na nga po, MANG TOMAS  po ba ang LOTION ninyo?  NYAKKKKK!


                                                             TAE

Syempre hindi magpapatalo si LALAKI 2


LALAKI 2:  Ayus yun Parekoy ha! O sige, ako naman ang magtatanong sayo...


LALAKI 1:  O sige Parekoy , go for it!


LALAKI 2:  Paano mo naman sasabihin sa isang taong mabaho hininga nya ng hindi sya mapapahiya!


LALAKI 1:  O sige, paano?


LALAKI 2:  Ganito lang... Mawalang galang na nga po Miss/ Mister, TAE ho ba ulam ninyo kanina? GWAARRKKKKKKKKK!




                                                        KONDISYON


GIRLFRIEND :  Break na tayo! kailangan kong magconcentrate sa studies ko.


BOYFRIEND :    Siguraduhin mong wala kang bagsak! Kundi........ Tayo ulit! NYEHHH!


                                                        KULANGOT


LEO :           Rachel! May itatanong lang sana ako sayo..........


RACHEL :   Ano yun Leo?


LEO :           May KULANGOT ba ako sa mukha??????


RACHEL :   Wala naman!


LEO:            Ay wala ba? naiinggit kasi ako sayo.... buti ka pa MERON!  NYAHHHHHHHH!


                                                            KAPE


Sa isang restoran.....


ARTURO :   Waiter! Bakit ang mahal na ng kape ninyo? Kahapon, P8 lang bakit ngayon P10 na??? Ano ba naman yan???


WAITER :     Sir kasi po, mahal na ang gasolina!


ARTURO:     Ganoon ba? Sige sa susunod na punta ko huwag mo ng lagyan ng GASOLINA ha! HIHIHIHI.....




                         
                Hanggang dito na lang muna, sana napatawa at napasaya ko kayo kahit papaano! PEACE!         

6 comments:

  1. Hahaha. Ang kulit. Napatawa mo ko. At dahil dyan, nag follow ako sa blog mo. Cheers!

    ReplyDelete
  2. @dylan- salamat naman mr. dylan! akala ko korni eh...

    ReplyDelete
  3. hehehe...hahaha...hihihih! ilang beses ko n narinig sau to ng personal hon, pero gang ngayon natatawa pa rin ako.... hahaha!

    ReplyDelete
  4. Kuya JED, andami kong natututunan sa blog mo... MAKA-FOLLOW NGA! HAha!
    Kape..gasolina...they made my day!^^

    ReplyDelete
  5. @honey ko- kahit naman sa mukha ko natatawa ka eh hehehehe...
    @xprosaic- adik nga hahahahaha!
    @mischa- salamat sa pagfollow mischa! nagfollow din ako sa blogs mo!

    ReplyDelete