Thursday, February 24, 2011

Gaano Kalaki ang iyong TITI??? ( Tiwalang Inuukol sa Taong Iniibig)

               May malaking TITI ka ba???? ops ops ops!!! hindi po bastos yan ha! pero ako alam ko may malaking TITI ako as in Tiwalang Inuukol sa Taong Iniibig.. Minsan kasi sa isang relasyon, ang nagiging dahilan ng hiwalayan ng dalawang nag-iibigan  ay ang kawalan ng tiwala sa isa't isa. Kalimitan din naman kaya nawawalan ng tiwala ang isang minamahal natin ay dahil din sa isang maling bagay na ating ginawa na sadya namang nagiging dahilan upang mawalan sila ng tiwala.

                Alam ko na lahat tayo ay nakakagawa ng kasalanan pero nakagawa man tayo  ng kasalanan ay lubos pa rin natin itong pinagsisihan.....  pero,  alam n'yo ba na kahit nakahingi na tayo ng tawad at tumanggap na rin tayo ng kapatawaran ay ........... minsan iyon ang nagiging lamat sa pagsasama????  Hindi man natin aminin sa ating mga sarili, nagpatawad man tayo ay maiisip at maiisip pa rin natin ang kasalanang iyon at iyon ang magiging daan upang mawalan tayo ng TIWALA sa ating minamahal.

                 Malaking bagay ang TIWALA.... lahat na yata ng aspeto hindi lang sa pagibig kundi sa lahat na yata ng aspeto ng buhay. Tiwala sa trabaho , kapag nawalan ng tiwala sa iyo ang amo mo sa palagay mo ba may trabaho ka pa???? Tiyak sibak ka na sa trabaho! Ang kaibahan nga lang ng pagtitiwala pagdating sa pagibig ay kahit na nakagawa na tayo ng pagkakamali ay pwede pa tayong bumangon muli at iparamdam sa ating mga minamahal na talagang nagsisisi tayo at nakahandang magbago hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa ikagaganda ng inyong pagsasama... AMEN!



                  Nararapat lang na may angkop na music  para rito at isang awiting mula sa PAROKYA NI EDGAR na pinamagatang CHOCO LATTE!!!! Roll VTR!

                           

11 comments:

  1. sasagutin ko sana ng otso pulgada ahahaha.. joke lang

    pero tama parekoy, ang trust ang magdadala ng isang relasyon.. kahit anong klaseng relasyon pa yan.. once na masira ang tiwala.. hinding hindi na ito mabubuong muli.. parang salamin lang.. once na magkalamat.. at tendency eh mabasag.. kaya kahit na ingatan mo.. hinding hindi mawawala ang lamat na yan.. wat more kung tuluyang mabasag.. :)

    ReplyDelete
  2. Malaki ang TITI ko but I leave a little room for REASONABLE doubt. Because anything can happen, anytime, anywhere.

    ReplyDelete
  3. @Banjo- laki nun pre ha hahahaha! otso kabilog nueve kahaba lols!
    @Ais- salamat sa pagbisita sa blog ko ty ty po!
    @honey ko- ty sa pagagree hon love you!

    ReplyDelete
  4. uhm mejo mahaba ang TITI ko...hahahahaha

    ReplyDelete
  5. @Jhengpot- mejo lang jheng ha hahahaha!
    @Adang- lalaki din yan tol hahahaha!

    ReplyDelete
  6. nyahahahhaha.... pinagsasaluhan namin ni boypren ang TITI... lol... hahahahahhahahahahha...... pero agree... super ingredients ang tiwala... sa relasyon... minsan kase kahit hindi naman ginagawa nung isa.. inaacusahan nung isa eh na may kasalanan yung isa..at napansin mo ang gulo ng sinabi ko.

    ReplyDelete
  7. @kamila- talagang magulo yung isa na yun hehehe....

    ReplyDelete
  8. feel ko, medyo, medyo malaki rin ang TITI ko. hahaha

    ReplyDelete
  9. @Ester Yaje- congrats dahil malaki sya hehehe...

    @To all viewers- Paking Syet! ang lalaki ng TITI nyo LOLS!

    ReplyDelete