Tuesday, February 8, 2011

Ang Pangarap mong Call Center


       Tenenenen  tenen  tentenenenen…
                                                        Tenenenen tenen   Call Center!  (to the tune of ghostbuster)



      “ Ang hindi raw magmahal sa sariling wika, sa Call Center naglipana!”

       May katotohanan subalit sa kasalukuyang panahon, ang mga BPO (Business 
process outsourcing) o ang mga call center company ang namamayagpag sa ngayon.
Nagsimulang umusbong ang BPO Industry taong 2000 at mangilan-ngilan lamang ang
mga kumpanya noon. Subalit sa ngayon, napakarami ng Call Center company ang
naglipana at ayon sa talaan, umaabot na sa 3.2 billion ang revenue nito na sadyang
mataas kumpara sa ibang industriya.
        Naalala ko pa noong taong 2006, una akong nag-aplay sa ( di’ ko na babanggitin ang 
 pangalan ng kumpanya..), 26 anyos pa lang ako noon at sa kabutihang palad! Ako
nama’y natanggap ngunit wala pang account akong mapapasukan noong mga panahong
iyon at kinakailangan ko pang maghintay ng isang buwan. Sa sobrang inip ko, mas pinili
ko pang magtrabaho sa ibang bansa at nakapasok naman ako sa bansang Kuwait
. Pagkatapos ng apat na taon kong pamamalagi sa Kuwait ay ipinasya kong bumalik sa
bansang sinilangan at tahakin muli ang landas sa call center.

         Sa aking pagbabalik, aba’y nagulat ako dahil ang dami ko ng kumpanyang
puwedeng aplayan yun nga lang, mas mataas na ang standard na hinihingi nila para
makapasok ka bilang Call Center Agent. Sa katunayan, nitong nakaraang lingo lamang ay
nagaplay ako sa  (minabuting hindi ko banggitin ang pangalan he he he..). Umabot ako
hanggang sa final interview ngunit hanggang doon lang pala ang aking kakayahan
sapagkat  kailangan pala dapat, kung paano magsalita ang mga Amerikano ay ganun ka
din pala dapat! MY GOSH! BETCHA BY GOLLY WOW  Ang kinagandahan naman kahit
hindi ako nakapasa ay binigyan nila ako ng libreng training upang mahasa ko ang aking
pananalita sa wikang banyaga.
         Sa ngayon ay nag-iisip pa akong muli kung maga-aplay pa ba ako kahit
nakapasa ako sa training dahil bago ka makapasok sa kumpanya ay daraan ka sa butas
ng karayom. Sa maga nagnanais makapasok, hindi masamang sumubok dahil malay
ninyo at isa kayo sa mapalad na matanggap. Basta galingan ninyo lang pagdating sa
pakikipagtalastasan sa salitang banyaga!  AY SOWS!

3 comments:

  1. LOL. Ang di raw magmhal sa sariling wika... sa Call center naglipana...my new motto :-D

    ReplyDelete
  2. hehehehe... kaya wag kang magwowork sa BPO joke joke joke!

    ReplyDelete
  3. hehehe... buti may libreng training na kasma?... ngayo ko lang nalaman may ganon pala?... di pa kais sinabi ung name ng company eh. hehe...

    ReplyDelete