Tuesday, February 8, 2011

"10 10 10 Takbo para sa Ilog Pasig"


                Muli na namang napatunayan ng mga Pilipino na sa kabila ng mga kinakaharap na suliranin ng bansa ay nagawa pa nitong makapagtala ng pinakamalaking kaganapan sa larangan ng takbuhan sa buong mundo at opisyal ng sinertipikahan ng prestihiyosong Guiness World Records dahil sa umabot sa 116,086 na lumahok at nakatawid sa finish line at bumasag sa opisyal na record ng Pilipinas na pinakamaraming bilang ng lumahok sa isang takbuhan.
                 Sa ngayon ay nahigitan na ng Pilipinas ang itinalang record ng San Francisco’s “Bay to Breakers”  nong taong 1988.
                 Ang takbuhang ito na inorganisa ng ABS-CBN Foundation na may pinamagatang “10 10 10 A Run fo the Pasig River”  na nilahukan ng mga lokal na artista at mga kilalang tao  kabilang sina ABS-CBN honcho Eugenio “Gabby” Lopez III , ABS-CBN head Gina Lopez, 8th time World Boxing Champion Manny Pacquiao at tinitiliang pinakasikat na male celebrity na si Piolo Pascual.
                  Maging kami ng misis ko ay proud na mapabilang sa napakalaking kaganapan na ito at kami ay natutuwang mapabilang sa nakiisa hindi lang para sa Guiness kundi para mapanitiling malinis ang Ilog Pasig at maghatid na rin ng mensahe na ang mga Pilipino ay nagkakaisa at naiiba dahil sa pagmamalasakit sa ating Inang Kalikasan.
                   Bilang patunay ay naririto ang ilang litratong kuha sa napakaespesyal na kaganapan. O d ba! Para na rin kaming nagdate ng misis ko yun nga lang ito’y isang napakamakabuluhang date. 

Smile para sa Ilog Pasig!

May race Band kami hehehehe...

Kapit bisig!

Yehey! Finish line na!

Oops!  Isa pang kuha sa finish line!

Piktyur piktyur!

Mga huwarang modelo ng Pasig!

Teka lang! Bakit wala ako dito?

Bakit kaya nakasimangot misis ko? HAHA!

Take 2 daw..  hehehehe

Ayan sa may Banner naman!

Sweet sweetan ang mag-asawa hihihi..


2 comments: