Thursday, January 13, 2011

KAMUSMUSAN...... ANG SARAP BALIKAN

“Ako’y tutula, mahabang mahaba! Ako’y sisinghot.. BENTENG KULANGOT!!! Lols!
           
        Isa sa pinakapaborito kong tula nung bata pa ako kasi para sa akin nakakatawa sya eh hehehehe… pero bakit nahagip ng alaala ko ang tulang ito? Well, naisip ko lang pwede pa lang mapagkakitaan ang kulangot harharhar!!!!! Joke lang po. Ang sa totoo lang po talaga, naaalala ko lang ang kamusmusan ko noon at kung inyo ring babalik balikan ay talaga naming napakasaya. Maraming  mga tula , kanta at kung anu ano pang laro ang mga bata na sadyang napakasaya.

Kung ang patak ng ulan ay puro tsokolate… ako’y lalabas at ako’y nganganga…
Kung ang patak ng ulan ay puro gummy bear… ako’y lalabas at ako’y nganganga…
Kung ang patak ng ulan ay puro sampalok… Ako'y lalabas at ako’y nganganga…
Ah ah ah ah ah ah ah ah…

        Nakakatuwa ang kantang ito pambatang pambata hehehe… Pero para sa inyong kaalaman , narinig ko ang kantang yang sa misis kong maganda na kasalukuyan ipinagbubuntis ang aming magiging panganay hahahaha!( si JENIFER MADALI PO IYON) Napakakwela kasi talaga ng misis ko na bukod sa maganda na ay seksi pa awrr… Teka lumayo na yata yung sinusulat ko hahahahaha! 
         Bukod sa mga kanta at tula ay sumagi din sa isip ko ang mga larong pambata na talaga namang naging sanhi ng mga bente singko , singkwenta at piso sa mga tuhod ko.. ang ilan sa mga yan ay ang tumbang preso na sa sobrang kadayaan ng kalaro ko ay sinisipa ang lata.. ang mataya taya na nakupo napakahirap manaya dahil sa sobrang bilis tumakbo ng mga kalaro ko…. Ang sipaang bola na sa sobrang katangahan ko ay mukha ko ang ipinangsalo ko syet hahahaha!  Ang patintero na kailangang magtime first kapag may daraang kotse… ang langit lupa na akalain mong ang bangketa gawing langit hihihii tapos sabay susutsot ang mama ko sabay sigaw na… “ ano baaaaaa??? D pa ba kayo papasok ??? wag ninyong hintaying lumabas ako ng may dalang pamalo! Hays…….. Those were the days hehehehe. KAMUSMUSAN… sarap balik balikan.

No comments:

Post a Comment